Umupo ako doon sa pinaka dulo sa may tabi ng pader dito nalang ako maghihintay.
-----
30 minutes na akong naghihintay dito pero wala parin siya ang' sabi naman niya after lunch eh ano ba siya kung kumain at napaka tagal niya ako nga eh wala pang 20 minutes tapos na akong kumain.
Naghintay pa ako ng 20 minutes tyaka siya dumating gusto kung mag reklamo pero hindi ko magawa dahil baka makilala niya ako.
"Kanina kapa?" Ang cold ng pagkakasabi niya tumango nalang ako habang naka yuko at nakatutok sa libro na binabasa ko na kinuha ko kanina kakahintay sa kanya.
"Tara sumama ka sa akin" napatingin ako sa kanya habang siya nakatayo sa harapan ko. Nag taka ako kung saan kami pupunta eh gagawa nga kami ng ere-report namin.
"Saan" tipid na sagot ko.
"Malamang maghahanap tayo ng book, ano sa tingin mo ako lang maghahanap" medyo pahiya ako doon ah.
Tumayo ako tyaka sumunod sa kanya. Humiwalay ako para sa kanya para mahanap namin yung book na kaylangan namin.
Ayun kita kuna
Kinuha ko agad pero hindi ko siya abot hindi sa maliit ako sadyang hindi ko lang talaga abot pero pinagpatuloy ko parin yung pagkuha ko doon sa libro hanggang sa naramdaman ko namay tao sa likod ko kinuha niya yung libro na kinukuha ko tinignan ko kung sino yun. Natulala ako sa sobrang lapit niya sa akin halos hindi na ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
"Dapat tinawag mo ako kung hindi mo naman pala kayang abutin" nakatulala parin ako sa kanya. "Ah eh ano......nakakahiya kasi" hindi ako makapag salita ng maayos sa sobrang lapit niya sa akin. "Tara na" tyaka siya umalis 'hays ano batong nangyayari sa akin'.
Bumalik kami sa dating pwesto namin tyaka gumawa. Naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya agad akong tumingin sa paligid nakita ko si Clark na nakatitig sa akin.
May dumi ba sa muka ko?
Binalik ko nalang yung tingin ko sa libro tyaka ko medyo tinakpan yung muka ko gamit yung kamay ko baka kasi nakikilala na niya ako.
"Anong nasa isip mo at iniba mo yang sarili mo? May pinag tataguan kaba? Wait alam niya.
"Ano bang sinasabi mo?" Patay malisya kong sagot. "Wag mo nga akong lokohin Cindy una palang alam kong ikaw nayan" sabi niya "pwedi bang satin satin lang to clark" pagmamakaawa ko sa kanya. "Pag iisipan ko" loko to ahh "sige na please" nag pacute pa ako sa kanya. "Bigyan mo muna ako ng dahilan" siraulo tong lalaking to ahh "basta wag mo ng alamin" sabi ko "oo na baka magalit pa sa akin si carl kapag inaway pa kita"
"Mahal na mahal mo talaga yung kapatid mo noh" bigla siyang sumeryoso "lahat kaya kong gawin para sa kanya"
Biglang tumunog yung tiyan ko dahil sa gutom 'nakakahiya' nakita ko si clark na nagpipigil ng tawa 'nakakahiya talaga'.
"Kumain kana ba?" Tanong niya habang tumatawa "hindi pa" nahihiyang sagot ko "tara sa canteen tapos naman na tayo dito sa report natin eh" sumunod ako sa kanya dahil sa gutom narin ako.
Siya yung bumili ng pagkain tyaka niya ako sinabayan kumain wala na akong pakialam kung malakas ako kumain ngayon sa harapan niya siya naman may kasalanan ang tagal tagal niyang dumating kanina.
"Ang takaw mo pala" natatawang sabi niya 'tssk paki mo'.
"Eh ginutom mo ako eh" totoo naman ahh.
"Sino ba kasing may sabi na hindi ka kumain bago pumunta sa library" tinuloy ko lang yung pagkain ko at siya naman natatawa lang bahala siya sa buhay niya diyan basta ako kakain lang.
"Hmm pasensiya na hindi ko dala yung jacket mo, dadalhin ko nalang bukas" sabi ko bigla ko kasing naalala yung jacket niya. "Ok lang".
Nag paalam din siya sa akin dahil may pupuntahan padaw sila ni carl at ako pag katapos ng klase ay agad din akong umuwi.
~~~~~
Thank you po sa lahat ng nagbabasa nito. Mahal ko kayo. Mahal ko yung bangtan. Mahal ko si Kim taehyung.
End of Chapter 8
-KimShinLey
YOU ARE READING
I Try Being a Nerd
Teen FictionKahit minsan gusto kung maranasan at maramdaman kung paano ang maging isang nerd. Na bakit laging nerd nalang ang mali at kaming mga famous ang tama. Tyaka ano bang mali sa lahat ng nerd?.
Chapter: 8
Start from the beginning
