"Lowbat ba talaga phone mo?"
Tanong ko "ang kulit mo din' ano?" Nag tatanong lang naman.
Biglang bumukas yung pinto ng elevator may ibang stuff at security na naka abang 'yes makakain na ako'
"Sorry maam,sir medyo may naputol kasing isang wire kaya huminto itong elavator pasensya na po talaga, gusto niyo po bang mag pa check sa clinic baka po kasi may masakit" sabi nung babae nginitian ko siya bago ako mag salita. "It's ok wala namang nasaktan sa amin, diba" tumingin ako kay Clark tyaka siya tumango at lumabas ng elevator pero bago siya makalabas huminto siya at nag salita.
"Pinapa sabi pala ni carl kapag daw nag kita tayo ulit ang sabi niya pumunta ka daw doon bukas sa park kung saan kayo nagkakilala' wag mong paasahin yung kapatid ko gusto ka niya maka laro ulit kasama yung mga kaibigan niya kaya please pumunta ka, gusto ko lang maging Masaya si carl ayokong nakikita yung kapatid kong malungkot" tyaka siya tuluyang umalis seryoso talaga siya pag dating sa kapatid niya mabait pala siyang kuya pero bakit ang sungit niya minsan. Aish ang gulo niya hindi ko siya maintindihan.
Pag dating ko sa bahay naabutan ko si mom and dad sa may sofa nanonood ng TV teka walang trabaho si dad ngayon.
"Dad wala po kayong trabaho ngayon"
"Yup, day off ko ngayon Hanggang lunes kaya gusto ko sana na mag bonding tayo bukas linggo naman wala karing pasok" bigla kong naalala yung sinabi ni Clark pero paano naman sila Mom and dad tyaka ayaw ko rin namang malungkot si carl dahil hindi ako pumunta Aish ano bang pipiliin ko.
Pumagitna ako kila mom and dad. "Dad kasi ano' may pupuntahan ako bukas baka kasi kapag hindi ako pumunta magtampo yun sorry dad" naka yuko nako niyan nahihiya kasi ako "it's ok anak naiintindihan kita meron pa namang next time diba" this time tumingala na ako.
"Dad,mom hindi kayo galit sa akin"ani ko "alam mo anak marami pang next time para sa bonding natin pero yung friend mo baka magtampo pa sayo yun naiintindihan ka namin anak ok" inakap nila ako na para bang sinasabing mahal na mahal ako ng mga magulang ko "thank you mom,dad" ani ko at inakap ulit sila "Sige na baby girl namin mag pahinga kana sa kwarto mo pero mag dinner ka muna 'ok'"
Nag shower lang ako tyaka ako bumaba para sa dinner. Pag katapos kung kumain ay maaga akong natulog.
~~~~~~
Maaga akong nagising ngayon dahil narin siguro maaga akong natulog kagabi. Pag katapos kung gawin ang morning routines ko ay agad akong bumaba para sa breakfast kahit ito lang breakfast makasama ko yung pamilya ko natanggihan ko nanga sila kahapon na dapat bonding namin ngayon pero hindi ko nagawa.
"Good morning mom,dad ano pong breakfast?"
"Aga ata nagising ng anak ko ngayon' wala namang pasok ah" ani ni mom. "Maaga po kasi akong natulog eh" naka ngiti kong sabi "hmm oo nga pala 'Cindy' sa susunod na linggo sumama ka sa amin ng mommy mo nag aya kasi yung business partner namin sa trabaho ng isang dinner" kaylangan paba ako doon "sige dad ok lang sa akin" kahit ayoko naman ang boring kasi nung ganun " wag kang mag-alala anak may makaka usap ka doon kasama naman yung dalawang anak anak nung business partner namin" kahit na ang boring parin "ok po" sabay ngiti.
Biglang tumunog yung phone ni mom kaya agad niya rin itong sinagot.
"Hello napatawag ka----- ah ok sige----- wala rin naman kaming gagawin-----hintayin nalang namin kayo-----welcome---bye"
Tyaka niya binaba yung phone niya.
"Hon sino yun" tanong ni dad "si Clara sabi kasi niya dito daw muna si yesha hanggang mamaya dahil may important meeting siya" si tita pala teka si yesha pupunta dito wow miss ko nayung pinsan kong yun sobrang cute kasi actually 5 years old na siya pero mahiyain kapag ibang tao yung kaharap. "Actually on the way nadaw sila" ani ni mommy excited na talaga akong makita yung pinsan kong yun.
Maya maya may biglang nag doorbell bigla akong napangiti dahil alam ko naman ng sila tita nayan ako na yung nagbukas ng pinto sa sobrang saya ko.
"Ate" bungad sa akin ni yesha sabay akap "baby yesha na miss kita" ang higpit ng yakap ko sa kanya " 'ate' sabi sa akin ni mommy dito daw po muna ako" sabi niya sa akin "totoo yun baby dito ka muna kaso aalis si ate mamaya" bigla siyang lumungkot sa sinabi ko sorry talaga baby yesha "pero ate gusto kitang kasama" ang lungkot naman niya hindi ako sanay "ok baby isasama nalang kita sa pupuntahan ko" bigla siyang sumaya "yey" ang saya naman ng pinsan ko. Humarap siya kay tita Clara "mommy ok lang po bang sumama ako kay ate Cindy" nag pa cute pa siya sa mommy niya "alam mo baby papayagan naman kita kahit hindi kana mag pa cute pa" sabi ni tita habang pisil pisil yung pisngi ni yesha, ang cute kasing bata.
Kasalukuyan akong gumagayak ngayon dahil Pupunta kami ni yesha sa park hindi ko alam pero parang excited akong pumunta para maka sama sila Carl pati yung mga kaibigan niya.
"Ate ang ganda naman po dito" ani ni yesha habang tumitingin sa paligid nandito na kasi kami sa park pero parang wala pa sila.
"Ate Cindy" nagulat ako sa batang sumigaw mula sa likod ko pagharap ko sila Carl kasama sila Sophia, Nicole, Cj at Ken tumakbo sila papunta sa akin teka bakit parang wala si Clark at teka bakit ko ba hinahanap yung lalaking yun ramdam kong nag tago si yesha sa likod ko, mahiyain talaga kasi tong pinsan ko.
"Ate kumusta po namiss ka po namin" ani ni Cj ang cute talaga nilang lima "namiss ko din naman kayo eh" nginitian ko sila "oh ate sino siya" mukang napansin ni Ken si yesha sa likod ko.
"Ahh baby pinsan ko siya ang name niya is yesha" lumapit agad si Nicole at Sophia "hi yesha my name is Sophia and siya si Nicole" sabay turo kay Nicole "hi yesha wag kang mahiya sa amin ah" lumabas si yesha sa likod ko "hi" yun lang yung sinabi niya "hi yesha ako si Cj" mukang magiging close silang lahat ah ang babait kasi eh "ako naman si Carl 'crush ni Sophia" sinamaan siya ng muka ni Sophia ang cute nilang dalawa "hi I'm Ken" yun lang yung sinabi ni Ken sabay ngiti.
"Ate Cindy good boy at good girl ba sila" bulong sa akin ni yesha "oo naman baby yesha" nginitian ko siya "tara doon yesha doon tayo sa swing" aya ni Sophia tyaka niya hinila si yesha muka namang mas gusto nilang mag laro at makilala pa yung pinsan ko kaya hindi ko nalang sila sinundan at naupo sa isang bench hindi kalayuan sa kanila kumbaga nakikita ko sila.
"Bakit hindi ka makisali sa kanila"
-----
Hanggang dito nalang muna kinaya ni author hahaha. Thank you po sa nag babasa mahal ko kayo mahal ko yung BANGTAN. HAHAHA.
-Kim Shin Ley
YOU ARE READING
I Try Being a Nerd
Teen FictionKahit minsan gusto kung maranasan at maramdaman kung paano ang maging isang nerd. Na bakit laging nerd nalang ang mali at kaming mga famous ang tama. Tyaka ano bang mali sa lahat ng nerd?.
Chapter: 6
Start from the beginning
