Phase 7: Cursing Argon

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nakita mona ang dragon na iyon?" Nagulat kong sabi,

Pumusisyon ako malapit sa kanya, tinitigan ko sya sa mata, mabagal ang tibok ng puso nya, hindi sya nagsisinungaling

"Ang halimaw nayon ay ginawa akong bato sa isang tingin lang sa mata, at dinurog ang rebulto ko, sabay lagay ng isang sumpa sa aking mga labi, na tinatawag na:  YUKASA CURSE (magiging kaluluwa kang buhay, hanggat hindi napapatay ang halimaw, mananatili syang isang kaluluwang gala, na sumasanib sa ibat ibang mga hayop at halaman) "   pagkukuwento nya

"Kaya't sinasabi mong?" Sabay tingin sa mga damong inuupuan ko, at sa punong sinisilungan namin

"Oo, lahat ng hayop at halaman dito ay isang buhay nakaluluwa ng isang tao" sabay ngiti muli nito

"Ha?!" Napatayo ako at pumunta muli sa initan,

Ang creepy ng mga nangyayari, hindi ko maipaliwanag, pero alam kong nagkakatotoo na

"Kailan darating ang taong tatapos sa halimaw na yon, sa iyong palagay?" Tanong nito sa akin

Napaisip ako, at tumingin sa paligid, huminga ng malalim at tumingin muli sa kanya

Diko inisip  na pwede akong makatulong sa ibang tao, kaya't ang sabi ko agad ay,

"Naririto na sya!" Sabay taas ng noo at tinamaan ng sikat ng araw

"Wahhhhh! Nakakasilaw!" Sigaw nila

Bumalik  muli ako sa lilim, at umupo sa damo

"Aray!" Sigaw ng mga damo

"Pasensya na po, kailangan lang" pagpapaliwanag ko

"Kung parating na sya, nasaan na sya? Nasa Golden Route na ba sya?" Tanong ng kabayo

"Nasa harap mo na sya" sagot ko sa kanyang tanong

"Ngunit nasaan sya? Nasa likod mo? Yung cactus doon? Sirit na kase!" Sagot ng kabayo

"Ako! Ako! Ako! Nandito ako, tutulungan ko kayo" sambit ko sa kabayo

"Ngunit kakayanin mo ba? Ngunit binibini, ang iyong gagawin ay lubhang mapanganib para sa iyo" sabat ng isang damo

"Kaya yan! Kakayanin! Para sa ikakabuti ng kaluluwa dito" sigaw ko

"Gusto ko ng makita ang dalawa kong anak, malaki na kaya sila?" Bulong ng kabayo

Napa tulala ito bigla sabay kagat sa damo, nakakawang nilalang,

Tumayo ako para magpatuloy sa paglalakad, hinawakan ko sya sa tali, at dalidaling sumakay

"Ang bigat mo!" Sigaw ng kabayo

"Magtiis ka! Malapit na naman" sambit ko

At nag patuloy kami sa  paglalakad,

Nadaanan namin ang ilang mga sirang puno na halatang pinagdaanan ng dragon,

"Ngunit, kung wala sya sa kanyang pugad, anong ginagawa nya sa kagubatan?" Pagtataka ng kabayo

"Alamin natin,sundan mo ang yapak at ang mga sirang puno," utos ko sa kanya

"Sige," Sagot nya

Habang nag papatuloy, napatigil ako bigla, may naraman akong labis na takot at galit sa puso,

"Ang dragon!" Sigaw ng kabayo

Dalidaling inangat nito ang kanyang pakpak na sumasakop sa halos kalahating kilometro na haba,

"Ilag!" Sigaw ko,

Tumalon ako sa kabayo at lumipad,

"Gear up!"

Sabay palit  ng armor at espada sa katawan ko

"Blue fire!" Sigaw ko

Lumapit ako sa kanyang pakpak at subukang putulin ang oakpak nito,

Naging Crystal ang buto at laman nito sa pakpak, at dalidaling naputol espada kong gawa sa titanium,

Di ako makapaniwala sa nangyari,

"Binibini sa iyong likod!" Sigaw ng kabayo

Umilag ako sa atake na iyon, nawala ang balanse ko sa ere at bagsak,

Sinalo  nalamang ako ng kabayo at nilayo  ng bahagya,

"Tandaan mo, kahit anong mangyari, wag kang titingin sa mata nya!" Paalala ng kabayo

"Salamat" banggit ko

Hindi ko inaasahang may sumpa ito, kulang ang impormasyon sa quest, o sadyang wala pang namakaalam nito?

Nagbuga ng asido ang dragon at nabutas ng mga iyon ang lupa, namatay ang mga halaman sa paligid nito at umalis,

Lumipad ako para mahabol sya,
Nanakbo na lamang ang kabayo,

Naabutan namin itong pumunta sa pugad nito,

Lumapit ako sa kanya at sumigaw

"GEAR UP!"

Nagpalit ako ng armor na poison proof,

"Fire assault! "

May tatlong itlog pinoprotektahan, upang hindi mabasag,

Ngunit habang ginagawa nya iyon, hindi sya nawawalan ng focus,

Masyadong maabilidad na halimaw,

Nabasag ang armor ko dahil sa malakas na impact ng sumunod nyang counter attack,

May isang babae ang lumabas, pinalutang nya ang dragon, at pinaikot sa ere at binalibag,

Nahihina ako sa usok na nilalabas ng dragon,

"Gem okay ka lang?" Sambit ng babae,

Napatingin ako sa kanya, at tumango,

Naglabas sya ng mga papel, at panulat, lumipad sa paligid ng dragon ang mga papel,

"REPEL!" Sigaw ng babae,

Bumagsak ang dragon, papunta sa lugar kung saan ako naka higa,

Akmang tutusok sa aking dibdib ang may laso  na mga kuko nito

Pumikit ako, at napasigaw ng

"Ayoko pang mamatay!!"

Tumalsik sa aking mukha ang dugo, wala akong maramdaman, patay na yata ako,

Pero nakita ko ang kabayo,nakatusok sa kuko ng dragon,

"Ikamusta mo nalamang ako sa aking anak, maraming salamat,"

Pumikit ito at nalaho  bigla,

Naglabasan ang mga kaluluwa at bumalik sa kanilang rebulto at  naging tao muli,

Natuwa ako sa aking nakita,  nakalaya na silang lahat,

"Ngunit, sino ka binibini?" Tanong ko sa kanya habang pinapanood syang gumawa sya ng spell

"Ako nga pala si...."

FAIGHIGH (Moonshard of Execution)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon