Anino ng Isipan

2 0 0
                                    



I
Kamusta, ako nga pala ang konsensiya mo.
Ang konsensiya mo noong mga panahon na linait mo ng patago ang guro mong nagtuturo sayo.
Ang konsensiya mo noong mga panahong nakakuha ka ng markang mataas sa pagsusulit na iyo lamang dinugas.
Ako ang konsensiya mo.
Ang konsensiya mong pilit na linimot mo.

II
Nasa iyo ako.
Nasa iyo ako noong mga panahon na sinabi mo sa mga magulang mo na pupunta ka ng simbahan.
Ngunit nasaan ka? Nasaan kang bata ka? Nasa discohan kang manloloko ka!
Nandiyan lang ako.
Nandiyan lang ako lalo na noong mga panahon na ipinanglabas mo kasama ng syota mo ang perang pinaghirapan ng magulang mo.
Ako ang konsensiya mo.
Ang konsensiya mong pilit na inililihim mo.

III
Lagi mo akong kasama.
Kasama mo ako noong mga panahon tinalikuran mo ung pulubi sa kanto.
Kasama mo ako noong sinipa mo ung aso ng kapitbahay niyo dahil sa walang pangundangang pagtahol nito.
Ako ang konsensiya mo.
Ang konsensiya mong pilit na itinago mo.

IV
Ako ang lagi mong iniiwasan.
Iniiwasan mo sa tuwing pinagsasalitaan mo ng hindi maganda ang mga kaibigan mo.
Iniiwasan mo sa tuwing maaalala mo ang utang na hindi mo pa nababayaran.
Iniiwasan mo sa tuwing maaalala mo ang hindi mo pa naisasauli na kagamitan.
Ako ang konsensiya mo.
Ang konsensiya mong pilit na linalayuan mo.

V
Naaalala mo pa ba?
Naaalala mo pa ba noong mga panahon na gumastos ka ng isang daan at animnapu't limang piso para sa isang maliit na kape?
ngunit ni singkong butas ay wala kang nabigay sa simbahan o ni sa paring nangangailangan?
Naalala mo ba noong natulog ka sa simbahan ngunit pagkabukas ay sinabi mong mahal mo ang Diyos at ito'y iyong ipinagsigawan?
Naalala mo pa ba noong mga panahon na nagka-problema ka at doon ka lamang nagdasal?
Noong nagka-kailangan ka doon ka lamang nagdasal!!
Asan ang mabuti mong asal?
Ako ang konsensiya mo.
Ang konsensiya mong pilit na bumabagabag sa isipan mo.

VI
Nagsasawa ka na ba?
Nagsasawa ka na ba sa daang-dang pasakit na pinapaala ko sayo?
Wala pa yan..
Wala pa yan sa sakit na dinanas ng taong nagpaka-tanga para sa iyo!
Wala pa yan sa sakit na ininda ng taong pinaasa mo!
Wala pa yan sa sakit na dinulot ng luha sa taong sinaktan mo!
Ako ang konsensiya mo
Ang konsensiya mong pilit na nagpapaalala sayo na hindi ka isang perpektong tao.
Wag kang magpakahibang sa mga kasamaan na naglilibang lamang sa iyong puso at isipan.
Ako ang konsensiya mo, at eto ang mensahe ko para sa iyo.
Ako ang konsensiya mo
At ako ang anino ng isipan mo.

-------
ANINO NG ISIPAN
(c) BACALA LYKA 2015

Poem CompilationsWhere stories live. Discover now