Prologue

10 0 0
                                    

At nakita kita sa tagpuan ni Bathala. May kinang sa mata na di maintindihan.Tumingin kung saan sinubukan kong lumisan at tumigil ang mundo nung ako'y ituro moooo.

Siya ang panalangin kooo

Haaay ang sarap talagang pakinggan ang kantang yan, parang ako masarap chooss!

Habang pinapakinggan ko ito, naiisip ko ang ang aking sarili na naglalakad at tinititigan ang lalakeng aking mapapangasawa.

Nakikita ko syang umiiyak dahil sa kasiyahan niya na ako ang mapapangasawa niya. Sino ba naman ang hindi masisiyahan sa ganda kong 'to no! Bukod sa maganda, mayaman ako, sexy, matalino, maganda at maganda ulit.

Ewan ko ba, sa buong buhay ko iisang tao lang talaga ang nagsabi na mabait ako at yun ay ang katulong namin na si Cathy. Siya lang ang nakakakita sa mga kabutihang ginagawa ko.

Habang ang magulang ko? Ayun, busy sa business nila. Wala na siyang oras para sa akin. Nagtataka ba kayo kung bakit 'siya' ang ginamit ko? Si mommy na lang kasi ang natira, namatay si daddy nung 8 years old pa lamang ako. At simula nung mamatay siya, hindi ko na maintindihan yung ugali ni Mommy. Hindi na niya ako pinapansin. Hindi ko na maramdaman yung pagmamahal niya.

Naging miserable ang buhay ko.

Pero...

Nagbago ang lahat nang iyan ng makilala ko ang pisting lalake na nagpabago ng buhay ko. Hindi ko lubos maisip na katulad niya lang ang makakabihag sa puso ko. Chosss! Kilig ka naman?

Hindi naging madali ang samahan namin. Natural naman siguro yun sa magkarelasyon hindi ba? Dumadaan kayo sa sari saring problema na maaaring dumating sa buhay niyo. Dumaan kami sa punto na ako yung sumuko at hinayaan niya rin akong bumitaw.

Ang lupit din ng tadhana dahil hinayaan niya na magtagpo kami ulit at sa muling pagtatagpo namin, tila bumaliktad ang mundo. Nag iba na siya. Nag iba na ang lahat. Hindi na siya yung lalakeng minahal ko. Ibang iba na. At dahil siya ay nag iba, pinatay ko siya, ginitilan ko sa leeg hanggang sa maputol ito. Chooss!

Wag masyado seryoso beshywap, maldita lang ako pero hindi ako masamang tao nooo. Kaya sana mga kabesywap basahin niyo tong story huehue.

You Changed MeWhere stories live. Discover now