Prologue

16 0 0
                                    



"Isang babae nanaman ang nakitang walang buhay. Suspek ay 'di malaman"




"Hay nako ayan nanaman 'yang namatay na'yan, pang-lima na'yan ngayong araw ah" ani mama habang nanonood ng balita."Kaya ikaw anak, mag-iingat ka kahit na lagi mong kasama yang kaibigan mo na si teo."




"Opo, ma. Di ko naman pinapabayaan sarili ko noh" ani ko para di na mag alala si mama nang husto.




"Kahit na anong ingat mo anak, di mo padin masasabi na ligtas ka. Parang siya, kahit anong ingat ko nagawa parin akong iwan." Sambit nito habang nakatulala sa tv.




"Ayan ka nanaman ma sa mga hugot mo. Hayaan mo na si papa, dami pa namang lalaki d'yan." Ani ko para kahit papa'no gumaan loob ni mama.




Oo. Iniwan kami ni papa nung na sa sinapupunan pa lang ako ng aking ina kaya kahit isang memorya sakan'ya, wala.




"Alam mo anak. Kahit milyon milyon pang lalaki ang na sa paligid ko, siya at siya parin talaga. Tanga man sa paningin ng iba pero wala eh, mahal ko talaga." Biglang tumaas balahibo ka sa pinagsasabi ng nanay ko sa mangha, di ko alam kung nag tutula ba o ano eh.




"Hindi pa ba sapat yung naramdaman mong sakit dahil sakan'ya, ma?" Tanong ko dahil kung ako na sa sitwasyon ni mama siguro puno ng galit puso ko hanggang ngayon.




"Nasaktan ako, syempre, sobra pa sa sakit ng isang-daang saksak ang naramdaman ko. Pero naniniwala kasi ako sa kasabihang lahat may rason at kilala ko ang papa mo, hindi niya ko iniwan para saktan." Sagot niya na kina-kunot naman ng noo ko.




"Pano mo naman nasabi ma?" Curious na curious talaga ko.




"Dahil alam kong di niya bibitawan ang mga salitang , mahal na mahal kita bago niya ko iwan. Kitang kita ko sakan'yang mga mata na totoo ang mga sinambit niya." Naka-ngiti mang nag kikwento si mama pero kita mo sakan'yang mga mata ang kalungkutan at pagkaulila.




"Pero lahat ng lungkot nawala nang ika'y ibigay sakin ng diyos. Kaya ikaw mag ingat ka sa mga lalaking iibigin mo" sambit niya habang naka-tingin saakin. "Mag mahal ka ng taong kaya kang ipaglaban dahil mahal ka, wag yung mahal ka nga di ka naman kayang ipaglaban." Pahabol niya at ngumiti saakin.

Mister VAMPY Where stories live. Discover now