Bat ba ako napadpad sa ganitong lugar? Ang daming naglalandiang tao! So many toxic people ugh.
"Hoy Sophia"
May tumatawag sa likod ko pero di ko ito pinansin.
"Hoy babae di mo ba ako naririnig ha?"
Hindi ko na mapigilan ang aking galit sa taong nagsasalita sa likod ko.
"Bat ka nandito? At isa pa ang ingay mo" Sabi ko sa unggoy na nagsasalita kanina pa.
"Sorry na" Sabi niya sakin at pumunta siya sa harapan ko.
"Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.
"Bat naman kita susundan ha? Tsaka bat ka nandito? Diba ayaw mo sa mga ganito?" Tanong niya saakin.
"Basta" Yun lang ang sinagot ko sa kanya.
"Oh shit" Rinig kong sabi niya.
Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila ako palayo sa party.
"Hoy lalaki ano ba problema mo ha?" Inis kong tanong sa kanya.
"We have to get out of here" He said.
Tinignan ko yung paligid namin pero wala naman akong nakikitang tao na kaaway niya. Nakakakita ba 'to ng multo?
"May nakita ka bang multo?" Tanong ko sa kanya.
Pumasok na kami sa kotse niya at umalis na kami sa party.
"Hindi multo nakita ko" Saad niya.
"Eh ano pala?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya habang nakatingin sa daan.
Hala nababaliw na ata 'tong kasama ko.
"'Wag mo nang isipin kung sino nakita ko. Di mo din naman mahuhulaan eh" Sabi niya saakin sabay tawa.
"Tse tigilan mo ko" Multo ba nakita nun?
Tumingin nalang ako sa bintana at hindi ko nalang pinansin yung katabi ko.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nakatulog na ako dito sa kotse niya.
YOU ARE READING
Ang Babaeng Ayaw Sa Pag-Ibig
Teen Fiction|HR: #96 - Highschool| |HR: #727 - Teen fiction| Siya si Sophia Zioloco, isang babae sa Cresthill High na matalino, maganda, ideal girl ika nga nila, at may gwapong bestfriend na si Seth Vandico. Pero may kakaiba kay Sophia na siya lang ang may gani...
