chapter 3 - hidden identity

146 3 1
                                    

Dedicated sa magaling na author. Nokkss. Gusto ko siyang lapitan sa school kaso nahihiya ako. Hahaha! Sana maging magka-close din tayo! :)) Hi Jamieeee. :DD

Julian's POV

New look.

New personality.

Another hidden identity.

Lagi nalang ganito. Palipat-lipat kami ng place ng parents ko kasi kilalang undercover agent ang dad ko. Taon-taon na lang, nag-iiba ako ng look para hindi ako makilala. Ganun din ang palaging gawa namin nila mom. Pati pangalan, pinapalitan namin. Pero ang pinagkaiba ngayon, totoong mga pangalan na namin ang ginamit namin. Matagal-tagal narin namang panahon nung huli akong tinawag na Julian.

Hindi kami kriminal. Wala kaming ginagawang masama. Delikado lang talaga ang trabaho ng tatay ko kaya kailangan naming gawin ang mga bagay na'to. Ang pagkakaalam ko, protektado kami ng gobyerno kaya as much as possible sa isang public school ako papasok o kaya naman sa isang university na malakas ang kapit sa gobyerno. In this case, may alam si Carlo Panganiban na may isang second year student sa kanyang university na anak ng agent.

Hindi lang naman yung pagiging agent ni dad ang pinagkukuhanan namin ng income. Si mom, ay isang government lawyer. Ewan ko kung anong posisyon niya dun. Basta ang alam ko, magaling siya.

Hindi sa pagyayabang, may talino naman ako. Namana ko yun kay mom. Katulad naman ni dad, maabilidad din ako. Kinamalas-malasan nga lang, ang sama ng get-up ko ngayong taon.

NERDY LOOK. Yung mukhang lampa. Malayo sa image ng ama ko. Syempre, wala na akong magagawa. Bilang pakikisama sa parents ko, I need to act what I look like. Nakakainis.

Hirap ako sa ganitong pagkakataon. Dapat hindi ko alam kung anong nangyayari sa paligid ko. Yung parang walang alam. Hay. That's exactly my opposite.

Kanina na nga lang, may nakabangga akong babae.

"So-sorry! D-Di ko si-sinasadya!" yan lang ang nasabi ko

Hindi naman ako takot sa mga babae eh. Gentleman kaya ako. Pero hindi yun ang pinapakita ng itsura ko ngayon. I'm just a lame weak nerdy boy. Pero kung ito ang totoo kong katauhan, siguro para na akong batang nag-ihi sa pantalon ngayon. I know this sounds gay but, she's so creepy and I can't take it.

Ang tapang niya talaga. She's not woman-like. Tapos ang dami niya pang pinagsasabi.

AYOKO NG ULITIN PA. NAKAKA-HUMILIATE. NAKO. PAG NALAMAN 'TO NI DAD AT MOM TATAWANAN AKO NG MGA YUN. -.-

Nasa Section A ako. Ang weird ng university na 'to. May privelege ang kahit sino na mapunta sa first creme section. Kahit transferee. Sana lang hindi ko maging kaklase yung babaeng yun. Alam kong rude sabihin pero, para siyang sadista.

Lalakad na sana ako kaso may naalala ako na sinabi ni mon kanina habang kumakain kami..

*flashback*

"Honey, sabi nga pala ni Mr. Santos, yung principal ng high school department ng CPU, pumunta ka daw sa faculty room." sabi ni mom

"Huh? Bakit naman mom? Edi ba ngayon iiintroduce ang mga transferees? Bakit sa faculty?" tanong ko

"Hindi pa ako tapos Julian. Hanapin mo si Ms. Benitez dun. Adviser mo daw yun."

"Okay." sagot ko

*end of flashback*

Buti nalang may mga signs na na nagpo-point papunta sa faculty room.

"Good Morning po. Excuse po kay Ms. Benitez." sabi ko, pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses

"Kaaaa.. May nag-eexcuse sayo! Transfer student ata." sigaw nung isang teacher

Agad naman akong in-accomodate ni Mam Benitez. Kasama ko dun ang iba pang transfer students na sina Monique, Nico at ang pinsan kong si Jairus na hindi ko alam na dito din pala mag-aaral.

After sometime, nagpunta na kami sa room namin. This is the hardest part. Kailangan kong magpakilala na parang isang bata na utal-utal. Hay.

Like I said, ayokong banggitin. NAKAKAHIYA.

At ang mas masaklap pa dun, kaklase ko yung sadista! BUHAY NGA NAMAN OH. HOW GREAT!

Dun pako sa likod niya napaupo. Hay. Pero, para namang wala sakin ang atensyon niya. Andun sa pinsan ko. Crush niya? Sus. Mas pogi naman ako dun kapag hindi naka pang disguise. Pero bakit kaya? May past kaya sila? Wala naman kasing naii-share sakin ang pinsan ko na meron siyang girlfriend na sadista ah..

PSH. NEVERMIND. ANG HIRAP TALAGA NITO. KAILANGAN KONG MAGLAWAY. -.-"

Author's Note

Oha? Ansaveh ng update na'to? Vote, Comment and be a fan! :) Thanks for reading. Hope you like it. :D

Fierce and love,

Mia ❤

A Kiss StolenWhere stories live. Discover now