At tumigil ang mundo ko pagkarinig ko ng sinabi ng professor namin, "Get one-half lengthwise".
Nanlamig ang mga kamay ko at namuo ang pawis sa sa aking noo. I wasn't paying attention the whole time. I was busy day-dreaming of my future plans for this school year. First meeting pa lang, bakit may ganito na!
I gave out a frustrated sigh trying to focus understanding the questions and guessing the correct answer. Naramdaman kong napatingin sa akin ang mga katabi ko pero wala akong pakialam sa kanila. They don't know me yet anyway.
My heart sank when we exchanged papers. I willed myself to accept the fact that my first quiz in my college life will be an F. I am not grade conscious but this is just so unfair! How can I retell this to my kids? Shall I tell them that their Mom got a failing grade on her first day in college? Hah! I should not agreed to study here had I known that first day means first quiz too!!
Nanlaki ang mga mata ko at awang ang nga labing pasimple kong nilingon ang katabi ko. Agad ko din namang binawi ang tingin ko ng napatingin din sya sa akin. His expression spoke too many words for me to contain.
It's as if he's judging me because I failed my first quiz. At nagmamayabang sya kasi he almost got a perfect score. Yeah! He checked my paper, and I checked his. Napasimangot ako ng mapagtantong masyado akong nagiging OA sa reaction ko. E ano ngayon kung bagsak ako, ano ngayon kung ijudge nya ako? Who is he anyway.
I raised my chin arrogantly, trying to compose myself. I tried to think of happy thoughts, and once again, I was in Lala Land. I didn't mind my failing grades anymore. I still have a whole sem to catch up anyway. Hindi ko din namalayan ng pahablot na kinuha ng katabi ko ang papel nya. I think I even heard him muttered some words, but I was too immersed in my thoughts to hear it clearly.
"Good job Ms. Salonga, for getting the highest score in our quiz today. Mr. Lopez, pls do well next time. I'll see all again on Wednesday. Class dismissed."
Napatayo ako sa upuan pagkarinig ng sinabi ng professor namin. Bigla akong nagising sa narinig ko, pero nagkagulo na din ang buong klase sa paglabas ng prof namin.
"Well, I'm not the only Salonga here, right." Mahinang bulong ko sa sarili habang dahan-dahang naupo ulit. "Of course, how can it be me e ni wala nga ata akong tamang naisagot sa quiz kanina. But at least, di naman pala ako ang lowest, thanks to that Mr. Lopez." Napangiti na ako sa naisip at kahit papano ay sumigla na ang pakiramdam. Hindi ako lowest!!!
"As if it's something to be proud of. Next time, pay attention to class."
Napanganga ako pagkarinig ko ng sinabi ng katabi ko. Agad ko syang binalingan ng tingin pero nakatayo na sya at nagsimulan lumakad paalis, wearing that serious expression.
"Did he just talk to me? Bwiset na yun! Hindi naman sya ang highest, kala mo naman." Nakairap na sinundan ko sya ng tingin.
The whole day passed by uneventfully. I reminded myself to focus on class attentively on my next subjects. Thankfully, I haven't seen that guy again. I guess, we're only classmates in that one subject.
Wala pa akong nagiging kaibigan kaya mag-isa lang ako pauwi. Pagkasakay ko sa jeep, agad akong nagbayad at inihanda ang sarili sa isang mahabang byahe. For sure, traffic na naman. I opened my playlist at put on my earphone, getting ready to be lost in the music world. Napasulyap ako sa harapan ko at sa gulat ay muntik ng mabitawan ang cellphone na hawak. Nakaupo lang naman sa tapat ko si Mr. Mayabang! He was smirking at me. Punong puno ng amusement ang mga mata na parang sayang-saya sya na nagulat ako. Galit na inirapan ko na lang sya at di na muling tinapunan ng tingin. Halos magka stiff neck ako dahil buong byahe ay sa isang posisyon lang nakabaling ang leeg ko, trying really hard to avoid looking at the guy sitting in front of me.
Nakahinga ako ng maluwag ng matanaw ko na ang lugar na bababaan ko. The whole ride was uncomfortable. Ni hindi ko naenjoy ang pakikinig ng music kasi ramdam na ramdam ko ang titig ng katapat ko. Ang creepy nga. Malapit na ata akong atakihin sa puso. I even heard him chuckled habang nagmamadali akong bumaba pagkapara ng jeep.
"Whew! Sana di ko na sya makasabay bukas!" Naibulalas ko at nagsimula ng maglakad papasok sa eskinita papunta sa bahay namin.
"Get home safely. By the way, I'm Jasper Lopez, nice meeting you Ms. Ziena Salonga."
Napatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay nakita si Mr. Mayabang, nakatayo habang nakamulsa at nakangiting nakatingin sa akin. Hindi ako agad nakapagsalita sa nerbyos. Okay. This is really creepy. He even followed me here! Oh eeem gee!!
"Are you stalking me?" Pinilit kong takpan ang takot sa pamamagitan ng pagtataray dito.
Natawa ito sa tanong ko. This time, he really looks so cool. Ang gwapo nya pala. At ang tuluyang tinalo ng malandi kong isip ang takot na nararamdaman ko.
"Stalking you? Why would I? Di naman kita type." Natatawang sabi nito.
Napasinghap ako sa sagot nya. I felt my cheeks burning from embarrassment.
"As is type kita. Tse!" Nagmamadali ko syang tinalikuran upang itago ang pagkapahiya.
"Go home, it's getting late." Naramdaman kong naglakad na sya paalis. Pinigilan ko ang sariling lingunin ito at piniling maglakad na lang pauwi.
"What just had happened?" I mentally asked myself.
"Napahiya ka. Yun ang nangyari. Assumera ka kasi." My inner self replied and I shrieked inside! Mentally slapping myself for the humiliation I've been through in front of Mr. Gwapong Mayabang.
Okay. I know. I just added an adjective to his name.
