MSL #12

2.7K 114 2
                                    

Incomplete

Nakatitig lamang ako sa babaeng iniligtas ko habang ginagamot siya ni Rylea. Si Williana naman ay ginagamot ang mga galos na nakuha ko. Matapos akong gamutin ay pabalik-balik akong naglalakad mula sa kinatatayuan ko. Hindi ako mapakali.

I'm wondering, where did Simon go?

"Camael, may klase ka pa 'di ba? Go now. Kami na bahala rito," sambit ni Rald.

Kinuha ko nalang ang bag ko at patakbong umalis. Hindi mapakali ang mata ko dahil hindi ko pa nakikita si Simon mula kanina. Kinakabahan ako. Sana hindi totoo ang kung anuman ang naiisip ko.

Nang makadaan ako sa oval ay wala ng katao-tao roon. Tumakbo ako patungong room at nakampante dahil tama lamang ang dating ko. Wala pang professor.

Nakatingin lamang sa akin ang mga estudyante na para bang dala-dala ko lahat ng kasalanan ng mundo. Umupo na ako sa upuan ko at tinitigan sila pabalik.

Nagsimula na ang klase pero lumilipad ang utak ko. Hindi ako mapakali kakaisip kay Simon. Hindi ko pa siya nakikita. Wala man lang senyales kung nasaan man siya. Hindi ko maiwasan na tablan ng takot para sa kanya.

"Nasaan na kaya 'yon?" Agad akong lumabas ng room dahil tapos na ang klase namin.

Halos ikutin ko na ang building kung saan madalas pumunta si Simon pero wala pa rin akong nakikitang senyales niya. Napuntahan ko na rin lahat ng paborito niyang tambayan pero wala rin siya roon.

Ilang oras na ang lumipas nang paghahanap ko sa kanya ay hindi ko pa rin siya mahanap. Kinakabahan na ako. Natatakot na ako. Anong nangyari sa'yo, Simon? Wala pa ring Simon na nagpapakita.

"Where the hell did he go?"

Bumalik ako sa basement pero wala rin siya roon. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha. Nag-aalala ako sa kanya. Ilang minuto pa nang paghahanap ay sumuko na ako. Sana naman ay ayos lang siya.

Tumakbo ako patungo sa kuwarto ko at nang buksan ko iyon. Doon ko siya nakita prenteng nakahiga sa kama ko. Napakunot ang noo ko.

"Montrearde!" He opened his eyes, giving me his smirk before standing up. He faced me while he was smirking.

"Yes?"

"Bakit ka nawala kanina?! Where did you go?! I-I almost died searching for you, douchebag!"

"I saved you... that's an enough reason. Okay ka na? I need to sleep. I'm tired." Hinila ko ang paa niya at nagulat dahil may sugat ang gilid ng kanyang panga.

Mas lalo pang nanlaki ang mata ko nang mapansin na may mga galos siya. Saan niya naman lahat 'yon nakuha?

"Where did you get that?" Turo ko pa sa sugat niya na banda sa panga.

"A mosquito bit me so I bit him back?" he sarcastically said. He's really a man full of sarcasm. I badly want to punch him.

"Mosquito? Don't you dare try to pretend to me! Ang laking mosquito naman ata noong kumagat sa'yo!"

"When you're handsome... you tend to be the special target of all the mosquitoes." sarkastikong sambit niya ulit.

Sometimes, I'm wondering if this is the minimum or maximum of how boastful Simon is.

"Come, gusto kong magpahangin."

Napatingin ako sa orasan at napansin na alas otso na ng gabi. Hindi ko napansin na ilang oras ko pala siyang hinanap. Dapat magagalit ako sa kanya dahil pinaghanap niya ako sa lahat ng sulok ng isla na ito tapos nandito lang pala siya sa kuwarto ko.
Napatingin ako sa kanya. Ramdam kong pagod siya kaya sa susunod na lang siguro ako magagalit.

My Scientific Love (PUBLISHED BOOK UNDER HOWLING WOLF'S)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon