Napahinto siya. "M-Magkakakilala ba tayo?" she suspiciously asked. Kaya ba magaan ang loob niya rito simula pa lang? Bago ba siya mawalan ng memorya ay magkakilala sila? May koneksyon?

Napatingin ito kay Sasa, sa kanya. At pagkatapos ay kay Sasa ulit, pagkuwa'y bumalik sa kanya ang mga mata nito. Nahihirapan na ang emosyong nakapaloob doon.

"Pucha! Ba't may batang kailangang..." bulong nito at saka napapikit ng mariin. "Agatha, umuwi muna kayo. Pupuntahan kita mamayang hapon sa inyo. Anong oras ang uwi ni Daniel?"

"Alas-singko..."

Tumango ito. "Pupuntahan kita bago siya umuwi." Napatingin ulit ito kay Sasa. Nginitian nito ang bata. "Ang galing mo kanina. Sabi ko na nga ba't matalino kang bata."

"Salamat, Teacher Pogi!"

"Alagaan mo ang Inay mo, ha?"

"Opo!" Yumakap ulit sa binti niya si Sasa.

"Johann..." Marami pa siyang gustong itanong. Kanina, akala niya ay matulunging kaibigan lang talaga ang lalaki. Pero ngayon, malakas ang kutob niya... may alam ito tungkol sa kanya!

Kaya ba ganoon na lang ang ligaya sa mga mata nito nang sabihin niyang naalala niya na ang sariling pangalan? Napayakap pa ito sa kanya kanina sa sobrang tuwa lang daw nito...

Tumalikod na siya at naglakad pauwi kasama ang anak. Ngunit paglingon niya ay nakasunod nang tingin sa kanya si Johann.

Nagpatuloy sila sa paglalakad ni Sasa. Hawak-hawak niya ang kamay nito.

"Inay? Inay!"

Napahinto siya at napayuko rito. At saka lang niya napansin na malapit na sila sa kubo nila.

"Inay, bakit di mo ko sagot?"

"H-Ha?"

"Inay, ano ulam? Gutom na 'ko, eh!"

"Ah... magluluto ako pagdating natin. Pasensya na, ha? Marami lang akong iniisip..."

Tumango ito. Sasa swayed their clasped hands. "Inay, alam mo, lahat ng kalaro ko sabi nila, ganda-ganda mo. Tuwa ako, eh! Ikaw maganda sa lahat, Inay!"

She softly smiled. "Mas maganda ka, anak..." May kung anong pumiga sa puso niya. Sa maraming buwang nagdaan, kahit may mga pagdududa, naniwala siyang anak niya talaga si Sasa. Pero sa pagkakaalam niya ng totoong pangalan, ibig sabihin, kasinungalingan ang lahat...

Pagkarating sa kubo ay agad niyang binihisan ng pambahay ang anak. Pagkatapos ay naghanda na siya sa pagluluto. Nakaupo sa lamesa si Sasa habang nagdo-drawing-drawing ito at pakanta-kanta pa.

Saka lang siya may naisipan. Kahit kailan ay hindi siya nagtanong sa anak dahil sa tingin niya ay masyado pa itong bata para mapagtanungan niya ng tungkol sa kanya.

Pero kung hindi siya si Seline... kung hindi siya ang totoong ina nito... bakit mula nang magising siya galing sa aksidente ay "Inay" na ang tawag nito sa kanya?

Napalingon siya sa anak. "Sasa... may itatanong ako."

Napahinto ito sa pagkanta at pagguhit. Tumingin ito sa kanya. Ngumiti. "Ano po tanong, Inay?"

Napalunok siya. "A-Anong madalas nating ginagawa bago ako maaksidente? Nagtatanim din ba tayo sa harap ng bahay? Namimitas ng kalamansi?"

Umiling ito. "Nasa work ka, Inay."

Work? May "trabaho" siya? Pero... walang nabanggit si Niel... Or she just assumed that she's a housewife that always looks after Sasa?

"A-Anong work ko?"

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRDove le storie prendono vita. Scoprilo ora