KABANATA X: 8 Years

Magsimula sa umpisa
                                    

"AYOKO!" matigas na sagot ko sabay tayo. Naramdaman kong napatingin sa'min ang iilang tao sa loob ng cafeteria.

Ayokong gumawa ng eksena pero mas ayokong mawalan ng asawa. "Hindi ko pakakawalan si Seven. Miss Reyes, nakikiusap ako sa'yo, tigilan mo na ang asawa ko."

Agad na nawala ang kulay sa mukha nya. Alam kong ramdam nya ring pinagtitinginan at pinagbubulungan na kami ng ibang naroroon. I didn't mean to humiliate her in front of all the people here. Pero kung iyon ang kailangan para tigilan nya ang asawa ko, gagawin ko.

Pikit-mata syang bumuntong-hininga saka ako muling tinignan sa mata. "Asawa mo? Maka-angkin ka naman. Iyo? Pag-aari mo? Ang lakas mo namang mangarap?"

Tinaas ko ang palasinsingan ko para ipakita sa kanya ang suot kong wedding ring, "You yourself was a witness to our exchange of vows. Ako ang pinakasalan nya; ako ang pinili nya. Sino sa'tin ngayon ang nang-aangkin ng hindi kanya?"

Sumama ang tingin nya sa'kin, I can see from her expression that she was gritting her teeth. "Siguro nga pinakasalan ka nya, siguro nga kabit ako. Pero kung hindi ka pumasok sa eksena, akin dapat sya. Pinakasalan ka lang nya dahil sa anak nyo."

I breathed out a sarcastic smirk. "Pinakasalan nya 'ko dahil mahal nya 'ko."

"Mahal? Bakit, yan ba ang sinabi nya sa'yo? O baka tatay mo ang nagsabi sa'yong mahal ka ng boyfriend ko?"

"What the—" teka, pa'no napasok si daddy sa usapan?

"Kung hindi ginipit ng tatay mo si Seven, hindi nya 'ko iiwan."

Oh my God. Hindi totoo 'to. Hindi ako naniniwala. Mahal ako ni Seven kaya nya 'ko niyayang pakasal.

"Cassandra, hindi ka nya mahal. Kahit kailan hindi ka nya minahal. Kaya please lang, pakawalan mo na sya, para maging masaya na kami. At para mahanap mo na rin ang taong para sa'yo."

Bumagsak na lang ako pabalik sa kinauupuan ko, kasabay niyon ang bigla ring pagbagsak ng mga luha ko. Para akong tangang paulit-ulit na umiling habang nakanganga.

"H-h-hindi… hindi yan t-totoo… ma-mahal ako… mahal ako ni Seven."

"Ba't hindi mo tanungin ang magaling mong ama?" tumayo na sya at iniwan akong mag-isa.

I can't believe it. Imposible. Imposible talaga. Paanong nangyari yun? Si daddy—

:::imetajerkwhosenameisseven:fanfic:wemeetagain:::

Change of

Point of View:

-ANNIKA MARIE REYES-

"Matagal na kayong hiwalay bago kami kinasal."

Ilang oras na ang lumipas mula nang magkausap kami ni Cassandra. Ilang oras na ring binabagabag ng statement na yan ang utak ko sa di ko malamang kadahilanan. Does that matter? Big deal? Ewan ko.

Nawala ako sa iniisip ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Third sa balikat ko. Kanina nya pa nga pala 'ko yakap-yakap mula sa likod. Nasa teresa kami sa second floor ng bahay nila. Dito kasi kami nag-dinner. Kanina pa sya naglalambing pero hindi ko sya pinapansin. Sumunod na dinampian ng labi nya ang pisngi ko. Bumaba ang halik nya papunta sa labi ko pero umiwas ako.

"Kailangan ko na palang umuwi," sabay kalas ko sa yakap nya.

Pero napigilan nya 'ko sa paghakbang nang maabot nya ang isa kong pulso. "Miss na kita."

We Meet Again (I met a jerk whose name is Seven FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon