Chapter One - Can't Remember

7K 138 29
                                    

Sweetest Torture
MyJaffStories©2018
~♥~

TYPING, he's busy when he's in front of the monitor, madalas ay ang Kuya niyang si Red ang kasama niya sa tuwing may ginagawa siyang research but this is something about his secret research for Grand Master Demon Hades, para ito sa grupong inaalam pa nila ang pangalan at ilang detalye.

Siguro kapag nalaman niya ang bagay na iyon ay matatapos na ang hiwa-hiwalay na pagtira sa mga miyembro ng mga torturers, oo wala pang namamatay but they need a serious action about this. Hindi dapat sila matahimik hangga't di nila nalalaman kung sino ba ang nasa likod ng mga hindi magagandang bagay na nangyayari sa kanila.

Hindi man sabihin ni Demon Hades sa kanya alam niyang may kutob na ang Master nila na kapag dinugtong dugtong ang mga pangyayari, alam niyang iisa lang ang nasa likod nito.

What happened to Rum? Yes, like what happened to him. Kaya nga isa sa mga files na tinitignan niya ay ang profile ni...

“Danz Etherious Makalaylay.” Kunot ang noo niya habang iniiscroll ang profile nito.

Sa larawan naroon din ang pictures ng laboratory nito at ilang experimento, yes, detalyado ang lahat pero kulang pa rin ang ebidensya para iturong si Danz nga ang may sala doon. He has alibis! Si Rum naman kasi ang nanghingi at nakisuyo sa Doctor na gawan siya nito ng droga at si Rachelle din ang kusang nanghingi ng lason sa Doctor para inomin iyon.

So Danz isn't the culprit but they wouldn't drop this case easily. Mananatili itong mainit sa mga mata ni Grand Master Demon Hades.

“Green are you there?”

Mabilis pa sa alas kwatro na inoff niya ang monitor. This mission is exclusively for him only, wala pang maaring makaalam na iba kundi siya lamang, ganon siya pinagkakatiwalaan ni Grand Master Demon Hades.

Tunayo siya, ekskto namang bumukas ang pinto.

“Yes?”

It's Cereese Aime, the only daughter of Caleb Heluxus.

“I have something to discuss about you.” Tulad ng dati ay pormal na pormal ang boses nito, ganoon naman ang dalaga mas lalo lang lumamig nang mamatayan ng asawa.

“Ah! Yes, yes,” Iminuwestra niya ang upuan sa kanyang tapat. “You can sit over there.”

“Thanks.”

Lumapit naman ito at umupo sa katapat na upuan.

“What can I do for you?”

Naging kliyente niya na rin kasi ang dalaga dahil sa brutal na pagkakamatay ng asawa nito at ang masakit pa'y tinuro pa itong may sala ng kapatid ng asawa nito.

“I need to consult something,” Simula nito. “That person wants to reopen the case about my husband's death. That case is already closed Green, you know that dahil ikaw ang humawak ng kaso ko but then, that person kept on pushing that I am guilty.”

“Wait, are you talking about your lawyer brother-in-law?” Tanong niya. “We can sue him Cereese kung talagang ginugulo ka niya. You can also asked help for Tatiana.”

“Tatiana is not yet home, alam nating nasa Mindanao pa siya at nakikigyera sa mga NPA doon, I just want that person to shut up, Green. He's getting into my nerves. Kulang pa ba iyong sakit na naramdaman ko noong namatayan ako ng asawa? Ngayon ay ginigiit niya pa rin ako na ako ang may kasalanan sa pagkamatay ni Pierre?! That's out of the line.” She said. “Pierre is my husband and I'm hurting too. I'm innocent Green, you know that.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sweetest TortureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon