Prologue

1.1K 25 12
                                    

Prologue

Napangiti ako sa aking sarili habang nakatanaw sa naglalakihang building ng Metro Manila. This is it! This is really is it! After two years of working in Canada, narito na ako ngayon sa Pilipinas. Sa wakas, I can live my life on my own. My own condo, my own car. I can continue my career just the way it was before.

Excited akong bumaba ng taxi nang makarating sa mansion ng aking mga magulang. Tiyak kong masosorpresa ang mga iyon sa aking pagdating. Ang alam kasi nila ay tatlong taon akong maninirahan sa Canada para asikasuhin ang negosyo ng pamilya roon. Pero dahil nagawan ko kaagad ng paraan  ang malaking gusot na ginawa ng paborito nilang anak, kaya nakauwi ako ng Pilipinas. Siguro naman sa pagkakataong ito ay hindi na sila mangingialam pa sa mga choices ko sa buhay lalong lalo na sa aking buhay pag-ibig dahil nagawa ko na ang mga kondisyon nila. Napatunayan ko na ang sarili sa aking mga magulang.

Sinenyasan ko ang katulong na huwag maingay. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa front door at binuksan iyon.

"Surprise!!!" sigaw ko nang makapasok na sa loob ng bahay pero imbes na sila ang masorpresa, ay ako ang nasorpresa dahil naroon sa living room ang halos lahat ng mga kamag-anak namin. Mga tiyahin at tiyuhin ko, mga pinsan at ang mga kapatid ko. Waring may pinag-uusapan sila na napakahalaga at natigil iyon nang dumating ako. Kunot na kunot ang kanilang mga noo habang nakatingin sa kinatatayuan ko.

"Aren't you all surprised I'm here?" Inilahad ko pa ang mga braso ko sa pag-asang yayakapin nila ako. Sabik na sabik ako sa kanilang yakap. Dalawang taon ding hindi kami nagkita-kita.

"Of course, hija," wika ni mama. "Nasorpresa mo kami.  Why are you here anyway? I thought sa isang taon ka pa uuwi gaya ng napag-usapan ninyo ng papa mo." Niyakap niya ako nang mahigpit at dama ko ang pagungulila niya sa akin.

"Welcome back, hija," wika ni papa at niyakap rin ako nang mahigpit.

"I missed you, baby." Muli akong niyakap ni mama at tila ayaw ako nitong pakawalan kahit na nang dumulog kami sa mesa para maghapunan ay panay pa rin ang yakap nito sa akin.

"So kumusta ka na, pinsan?" Napaangat ang aking paningin nang magtanong ang maldita kong pinsan na si Katie. "I heard may nanliligaw sa 'yo sa Canada? Kailan mo siya  ipakikilala sa amin?" Nakaarko ang hindi naman kagandahan nitong kulay na lalo kong ikinainis.

At boyfriend? The last time I checked, my boyfriend ako rito sa Pilipinas at siya ang dahilan kung bakit tinapos ko kaagad ang trabaho sa Canada. I missed him already and I know he missed me too.

Itinaas ko rin ang aking kilay. 'Di hamak naman na mas maganda ang kilay ko kaysa sa kaniya. "I haven't had time entertaining those kind of shits back in Canada, Katie. I had been busy keeping the company on the right track. And guess what?—"

"Naayos mo ang gusot sa company," salo nito sa iba ko pang sasabihin. Binitawan nito ang hawak na kutsara at isinandal ang likod sa upuan. Ang tsinita nitong mga mata ay lalo pang naningkit nang ngumisi habang nakatingin sa akin. "I wonder kung magawan mo ng paraan ang gusot na napasukan ng ex boyfriend mo. Well, I know you can. After all ikaw naman talaga ang tagaayos ng kalat ng iba." Tumingin ito ng makahulugan sa mga magulang ko at napansin ko ang matalim na tingin ni mama kay Katie.

"Ex boyfriend?" tanong ko. "Wala akong ex boyfriend. Hanggang ngayon kami pa rin ni Boris."

"Oh?" Tumaas na naman ang kilay nito. "Really? Because—"

"Stop it, Katie!" sigaw dito ng kapatid ko.

"She needs to know!" sumigaw na rin si Katie. "She needs to know everything."

"What is it, Katie?" lakas-loob kong tanong kahit pinanghihinaan ako ng loob.

"Si Boris..." Imbes na ituloy nito ang sasabihin ay may kinuha itong diyaryo at ipinakita sa akin. Halos panawan ako ng ulirat nang mabasa roon ng hindi ko inaasahang balita.

_______________________

Salamat po sa pagbabasa. Sana suportahan n'yo rin ang story na ito gaya  ng pagsuporta ninyo sa 'The Joy Of The Playboy.'

Votes and comments are highly appreciated!


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Unfair Love AffairWhere stories live. Discover now