Chapter 4 - Some things may change but some other things may not

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagugutom na talaga ako at napapaisip ako kung anong kinakain nila Eli at Hannah ngayon. Binuksan ko ang bag ko at naghalungkat. May nakita pa akong isang pirasong kendi.

"Gutom ka na?" Nagulat naman ako sa pagsasalita ni Ezekiel. Napatingin naman ako at nagulat sa suot niya. Nakadamit ito na walang manggas na dry-fit na medyo fit at nakashorts na medyo maikli sa shorts ng mga lalake. Kitang-kita ko naman kung gaano kahaba ang biyas niya.

"Bakit ganyan suot mo? Hindi ba pambabae iyan shorts mo? Parang ang ikli masyado." Iyon ang lumabas sa bibig ko.

"You are just so naive." Natawa na naman siya. " Ganito talaga ang suot ng mga tumatakbo. Mas madaling makagalaw at less wind resistance."

Tiningnan ko na lang ulit ang kabuuan niya. Bagay naman sa kanya kaso ewan. Hindi ako sanay sa lalakeng nagsusuot ng shorts na kasing ikli ng sa babae.

"You have a lot of prejudices, haven't you?" Prejudices? Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. "Tatakbo lang ako. Pagkatapos kong tumakbo kumain tayo."

"Magtake-out na lang tayo." Gusto ko na lang din kasing umuwi.

Tumingin lang siya sa akin ng matagal matapos ay umiling. Hindi na siya nagsalita. Hindi ko alam tuloy kung ang pag-iling na iyon ay di niya pagsang-ayon o ano.

Nakatingin lang ako sa kanya habang nagstretching siya. Hindi ko mapigilan mapangiti. Kaya pala maganda ang katawan niya dahil na rin siguro sa pagtakbo niya. Pero nakakatuwa rin na ito na pala ang paraan niya para ma-vent ang inis o stress niya. Akala ko may kung anong nakakatakot siyang gagawin pero buti na lang at hindi. Hindi ko na kasi binigyan si Puti ng benefit of the doubt.

Malaki ang oval track and field at hindi ko na napuna kung nakailang laps na siya. Hindi siya ganoon kabilis tumakbo pero pakiramdam ko ay may rhythm ang bawat paggalaw niya. Nakakaenganyo siyang panuorin hindi ko alam kung bakit pero sa buong oras na tumatakbo siya ay sinusundan ko lang siya ng tingin. Para ngang gusto kong sumama, parang gusto kong gayahin ang ginagawa niya.

Natanggal lang ang atensyon ko sa kanya ng marinig ko ang phone ko. May nagmessage sa akin sa whats app. Si Hannah. Picture message iyon. Kinuhanan niya ng litrato ang paborito kong banda. May picture din siyang pinadala ng mga kinain nila. Sa huli ay picture ni Eli na hindi nakatingin ang pinadala niya. Stolen shot. Pinalakihan ko iyon at tiningnan mabuti. Nakatingin siya sa kung saan palagay ko ay nanunuod siya ng banda. Ang gwapo ni Eli. Eli...

"So how's the dinner?" Nagulat ako sa boses ni Ezekiel. Nabitawan ko ang phone ko at nalaglag ito.

Nagmadali akong abutin iyon pero mas naunang naabot niya ito. Tiningnan niya pa kung ano ang nasa display. 

"I think they enjoyed the bestfriend's night out." Sabi niya sabay abot sa akin ng phone ko. Tiningnan ko ang nasa display at nandoon pa rin ang picture ni Eli. Nakakahiya na nakita niya na tinitingnan ko ng sobra ang kapatid niya.

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita dahil sa hiya.

"I'll just take a quick shower then we're good to go."

Tumango na lang ulit ako.

...

"Bakit nga kasi kailangan kumain tayo rito. Hindi ba pwedeng take-out?" Naiinis ako kay Ezekiel dahil maipilit na naman. Ayoko ng bumaba ng kotse pero kinaladkad niya talaga ako papunta ng restaurant na ngayon ko lang napuntahan.

"They don't have take-outs, okay? Bakit ba ang ligalig mo kapag ako ang kasama mo?"

Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Ligalig?

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon