"Two, sir," sagot ng classmate ko. Atty. Bustillos shuffled the cards twice. Sobrang lakas na naman ng kaba ng dibdib ko. Ganito na lang ba tuwing may magsa-shuffle ng card sa harap ko?! Involuntary reaction ba 'to?!

"Ms. Arellano."

Fuck me.

* * *

I was so pissed for the entirety of the class. Naka-sagot naman ako, but definitely not how I pictured my first ever recitation to go down. Siguro kasi sobrang ganda nung recit nung nauna sa akin kaya parang sobrang let down nung turn ko na na magrecite. Pati 'yung sumunod sa akin, ang galing magrecite. Sino ba 'yung Maven na 'yun? Pinahamak pa ako sa ganda ng sagot niya. I could definitely tell that Atty. Bustillos wasn't exactly happy with how I phrased my answer.

"Hi."

I immediately frowned nung lapitan ako ni Mr. Supreme Court. Mukhang hindi naman siya natinag sa pagsimangot ko dahil naka-harap pa rin siya sa akin.

"Iñigo!" tawag sa kanya nung ibang classmate namin na lalaki. Mukhang aalis pala siya. At hindi pala Mr. Supreme Court ang pangalan niya.

Sumenyas siya 'dun sa tumawag sa kanya, tapos ibinalik iyong atensyon sa akin. "Ayos ka lang?" tanong niya.

"Bakit naman hindi ako magiging maayos?" I shot back.

Nginitian niya lang ako. "Well, for one, nanginginig 'yang kamay mo," sabi niya sabay turo sa knuckle ko na medyo nanginginig. Hindi talaga ako sanay na hindi nagpeperform nang maayos sa klase! May kakaibang epekto sa akin!

"This is nothing," sabi ko sabay hawak sa kamay kong nanginginig.

"Sure ka? Okay naman recit mo."

"May sinabi ba ako na hindi?"

Imbes na mainis siya sa akin dahil sinusungitan ko siya, napa-ngiti pa siya sa akin. Tss. "Mukhang mainit ulo mo. Next time na lang ulit kapag good mood ka na," sabi niya tapos ngumiti. Akala ko aalis na siya at susunod sa iba naming kaklase, pero huminto siya, at humarap ulit sa akin. "Agpalo notes," he said. I arched my brow. "Nandun sagot sa lahat ng tanong ni Sir."

"Bakit mo sinasabi?"

He shrugged. "Para 'di ka na masungit sa susunod," he said, smiling again. "Bye, Ms. Arellano!" he said, waving while walking away.

Naka-kunot pa rin ang noo ko habang pinapanood siyang maglakad. It took me a few seconds to realize kung bakit ko ba pinapanood maglakad iyong Iñigo na 'yun. Tumalikod ako, at doon naglakad sa kabilang direksyon. Pagbaba ko ng second floor, bababa na sana ako sa first floor dahil medyo pagod na ako kaya gusto kong mahiga na sa kama ko... But my attention was shifted elsewhere. Agad na nabuhay ang dugo ko nang makita ko si Jax mula sa glass sa may pintuan.

Mabilis akong lumapit at sumilip. He looked like he's reciting dahil naka-tayo siya. Nanghinayang ako dahil likod niya lang iyong nakikita ko... But ewan ko. Napa-ngiti ako habang pinapanood ko siya. He seemed confident reciting. Ilang minuto din siyang naka-tayo dahil mukhang ang daming follow-up question nung professor niya. Ilang minuto din akong naka-tayo doon.

"I'll do better," I said to myself as I watched Jax recite in class. If I wanna be with someone like him, I better work on myself first. Jax deserves the best... and I should be the best. I wanna give him nothing less.

* * *

Alas-dos na ng madaling araw nang matapos akong magreview para sa Persons class ko. Wala pang sinasabi kung ano iyong coverage ng class, pero ayoko na ulit na hindi maka-sagot. So, pilit kong isiniksik sa utak ko lahat ng kaya kong ma-memorize na provision sa Family Code.

"Dumating ang Mommy mo kanina. Tulog ka pa kaya 'di na naman kayo nag-abot," sabi ni Yaya sa akin.

I just nodded. It was already 11am. I felt tired all over kahit kakagising ko pa lang naman, at wala pa akong ginagawa na productive. Mabilis lang akong kumain, tapos naligo na ako para magising iyong sistema ko. After that, I proceeded to study again. I made sure that I could recite the provisions perfectly. There's no room for mistake.

Maaga akong dumating sa school. Dumiretso ako sa cafeteria para bumili ng iced coffee dahil inaantok pa rin ako. Habang naka-pila ako, may tumawag sa akin.

"What?" inis na sabi ko kasi alam ko agad na si Iñigo ang tumawag sa akin. Siya lang naman ang tumatawad sa akin ng Ms. Arellano. Feeling unique. Alam naman niya pangalan ko, 'di na lang 'yung itawag sa 'kin.

"Grabe, ang sungit agad," sabi niya na naka-ngiti na naman. Bakit ba ang saya-saya niya?!

"Alam mo, 'di ko alam bakit ako kinukulit mo. 'Di tayo friends."

"Bloc mates naman tayo."

"Oh, tapos?"

Tumawa pa siya! Ang sarap niyang tanggalan ng kaligayahan!

"Nakapag-aral ka for persons? Kilala mo na prof natin? Gusto mo ng tips pano siya magpa-recit? Gusto mong malaman mga tinanong niya sa ibang section na hawak niya?"

Agad na kumunot ang noo ko. 'Di ko alam kung ano'ng trip nitong taong 'to. I literally met him thrice pa lang! Una nung first day na walang dumating na prof, pangalawa kahapon, tapos pangatlo ngayon. Pero kahit na ganoon, ang dami niya na agad sinasabi!

"Ano ba'ng gusto mo?" tanong ko sa kanya.

He smiled. "Wala lang. Pwedeng makipagkaibigan?"

"Marami kang kaibigan."

"Bawal kang idagdag?"

Sasagot pa sana ako nang makita ko si Jax na naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad na napako sa kanya ang atensyon ko. Magsasalita na sana ako para batiin siya, pero para akong multo na nilagpasan niya na lang!

Agad akong pumasok sa loob ng cafeteria para sundan siya. Naglalakad lang siyang mag-isa habang may dalang libro. Mabilis akong lumapit.

"Jax," I called his name. Tumingin lang siya sa 'kin, pero hindi siya nagsalita. "Dadalaw ka kay Joey? Sabay tayo."

He just shrugged. May period na naman 'to. Ang sungit na naman.

"Nagrecit na ako kahapon. Hindi maganda. Okay lang naman 'yun, 'di ba? Pwede pa namang bumawi?" I asked him series of questions, but to no avail! May topak na naman yata si Juan Alexandro ngayon. Wrong timing na naman yata ako.

I was about to ask him another question nang may tumawag na naman sa akin. Napa-tingin ako kay Iñigo at mabilis na sumimangot.

"Iced coffee mo," sabi niya sa akin, sabay abot ng coffee. "You're welcome."

"Hindi ako nagthank you," sagot ko.

"Ako na nagbayad. May utang ka sa 'kin." I was about to reach for my wallet inside my bag when he stopped me. "I'll collect next time," he said tapos tumingin sa likod ko. "Umalis na pala 'yung kausap mo."

Napa-tingin din ako sa likod ko. Wala na si Jax. I looked around the cafeteria, pero wala na siya doon. Ang bilis naman niyag mawala! Gaano ba katagal inagaw nitong Iñigo na 'to ang atensyon ko?!

"Boyfriend mo?" tanong niya.

"Ang usisero mo."

He laughed again. "So, 'di mo boyfriend."

"Ito, one hundred. 'Yung sukli sa kape ko, pambili mo ng kausap," sabi ko bago naglakad palayo sa kanya. Next time talaga hindi na ako papasok nang maaga!

Play The Game (COMPLETED)Where stories live. Discover now