Chapter 1 - Moving On.

17K 150 38
                                    

Chapter 1 – Moving on.

 


**** Ellie’s POV ****

Bata pa lang ako, nangulila na ako saking kapatid. Namatay siya dahil nahulog siya sa treehouse namin sa labas nung  7 years old palang siya.

Labis ang kalungkutang nadama ng mga magulang ko. Pero tahimik lang ako. Tahimik ko lang siyang inaalala dahil wala pa akong muwang noon.

Mas matanda lang ako ng isang taon sa kanya. Pero kahit na wala na siya at nakalipas na ang sampung taon… Si Micah parin ang bukambibig ni mama at papa! Nakakairita.

Ako si Ellie Jones.  Mag-18 na ako this July.  Pero mukhang wala man lang paki si mama at papa dahil siguro magkalapit lang ang birthday namin ni Micah!

"MA! PA! Wala na siya. Wala na si Micah!" sigaw ko. Nakakainis lang talaga eh! Andito ako pero para akong multo na hindi nila napapansin.

"Alam namin anak…" sabi ni mama...

"Pero ako, nandito ako… sakin niyo nalang ibaling ang pagmamahal niyo."  sabat ko

"Mahal ka namin Ellie. Pero mahal din naming si Micah."  sabi naman ni papa.

"Sana pala… ako nalang ang namatay!" sigaw ko sabay takbo.

(Umiiyak akong tumakbo sa kuwarto ko… pero napatigil ako ng makita ko ang picture ni Micah sa pader…)

"Maganda ka, mabait, mapagmahal… pero sayang at natulak kita. Ikaw naman kasi eh. Ang KULIT KULIT mo. Iyan tuloy… nasa ilalim ka na nang lupa". sabi ko sabay dila sa litrato niya. Childish man pero ganyan ako.

Tumakbo ako papasok ng kuwarto at pumasok sa Cr. Ni-lock ko yung door at bigla kong naalala lahat ng nangyari bago pa mamatay si Micah.

~~ 10 Years ago / Tree House ~~

LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon