"Charles Lyndon!" saway ni Reynald sa pinsan. "Shut up, bro. Hindi tayo naghahanap ng away dito."

Tumahimik lang si Reeve. Tinignan na lang niya si Adam na wala pang naiintindihan sa mga nangyayari at tahimik na nilalaro ang mga laruang kotse nito.

Namayani ang katahimikan sa buong bahay. Ganoon sila naabutan ni Bari.

"It's good to have your mouths shut like this," kalmadong wika nito pagkapasok ng bahay.

Tumayo siya. "Ibarra."

"Reeve." Umangat ang gilid ng labi nito at tinanguan siya. "We just want to consult you with something. Kung hindi ka papayag ay maiintindihan namin."

Ngumisi si Ramses. "Wala siyang karapatan na hindi pumayag dahil wala namang kuwenta ang sarili niyang imbestigasyon."

"Kuya," saway ni River dito.

"Bakit? Totoo naman, hindi ba?" Ramses voice is calm yet very piercing. "Nahanap na ba si Agatha?"

"Baka hindi mahanap dahil ayaw nang magpahanap," Charlie taunted. "Maybe Agatha does not want to be a neglected wife anymore."

Nagtiim ang mga bagang niya. "Heaven knows I'm sorry," aniya sa mga ito. "I'll trade anything just to find her. I'll give up everything just to see my wife, again!" Reeve tried his best for his voice not to break.

Nang-uuyam ang tawa ni Dylan. Napatingin silang lahat dito. "Kahit ang hotels? Kahit ang posisyon mo sa board of directors? Ang alam ko, pumayag ka lang magbakasyon mula sa trabaho ngayon para sa mga anak mo, pero kapag nakabalik naman si Agatha, magkukumahog kang bumalik din sa trabaho. Ang pagmamahal mo sa trabaho ang naglayo sa'yo, Reeve. Lalo na kay Agatha. Before the accident, you've already lost her."

"That's another form of unfaithfulness," dagdag pa ni Ramses. "Your own job is your mistress, Reeve. Pinipili mong kaulayaw ang trabaho mo sa mga oras na sana nakalaan kay Agatha at sa mga anak niyo. You cheated."

Charlie threw him some dagger looks. "And we thought she'll be happy with you. But all you did is impregnate her and leave her with the kids. Palahian? Iyon lang yata ang tingin mo talaga kay Agatha."

Kumuyom ang mga kamay niya. Nag-iwas siya ng tingin sa mga ito. Parang hinihiwa ang puso niya sa sobrang sakit. Sobrang sakit na gusto niya ring manakit pabalik.

Ngunit mahal na mahal ni Reeve ang asawa niya. Alang-alang kay Agatha, hindi niya papatulan ang mga pinsan nito.

"Dylan, Ramses, Charlie..." tawag ni Gideon sa mga ito. "Get out."

The tension got thicker when they didn't move.

Humarap si Bari sa tatlo. "Didn't you hear what he said? Get. Out." Puno ng awtoridad ang tono ng mga ito.

"We don't want to be here anyway," marahas na talikod ni Charlie.

Tahimik na lumabas lang si Ramses.

"We don't want to be in the same room with people who still believe in that piece of shit," sabay turo ni Dylan sa kanya. "Kaya ba kinakampihan mo iyan, Reynald? Kasi cheater din?"

"Akala mo kung sino ka?" bulalas ni Reynald. "Ampon ka lang naman."

Ngumisi si Dylan. "Buti nga akong hindi talaga kadugo, kahit kailan hindi pinabayaan si Agatha. Paano pa iyang asawa niya?" pagpaparinig pa nito sa kanya.

Umupo si Bari sa sofa malapit sa playmat ni Adam. Binuhat nito ang pamangkin. "I bet you have a higher IQ and EQ than those monkeys."

Nang wala na rin pati si Dylan ay napapagod na napaupo na lang si Reeve. Ipinatong niya ang mga siko sa hita at sinapo ang mukha ng mga palad. "I'm really sorry..."

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin