Si Gregoria de Jesus

48 0 0
                                    

Unang babaing kasapi ng katipunan si Gregoria de Jesus ang maybahay ni Andress Bonifacio.Tinagurian siyang "Lakambini ng katipunan".

Nang matuklasan ng mga Español ang lihim na kilusan ng katipunan ipinahanap ang mga kasapi nito upang maparusahan.Kabilang sa mga ito si Gregoria de Jesus na nagtatago sa tahanan ng mga kaibigan.Minsan ay sa bahay ng hipag niya siya nagtatago.

"Gregoria," sabi ng hipag niya, "May mga gwardya sibil sa ating pook.May hinahanap sila sa bawat bahay."

"Tiyak na ako ang hinahanap nila. Kailangang makaalis agad ako. Pakitawag mo ako ng kalesa. Pakibilisan mo," ang nagmamadaling pakiusap ni Gregoria.

"Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ng hipag niya.

"Huwag kang mag-alala . Hahanapin ko si Andress. Sasama ako sa kanya sa bundok. Salamat sa tulong mo. Aalis na ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Si Gregoria de JesusWhere stories live. Discover now