"Ano bah!? Bakit kaba ganyan? Ginawa ko naman ang lahat nang kagustuhan mo ah! Kahit patago nga lang ang relasyon nating ito dahil sa hindi ako tanggap nang iyong pamilya."galit niyang sigaw sa akin. Sabay sabunot nang kanyang buhok dahil sa inis sa akin. Siguro sobrang nafrustrate na siya sa akin dahil sa sobrang kaartehan ko.
Gusto ko lang namang makipaghiwalay sa kanya dahil hindi ko na alam kung sino ang pipiliin ko. Siya ba, pag-aaral o pamilya ko. Sobrang nagugulohan na ako.
Saan ba ang hindi niya naintindihan sa gusto kung mangyari?!.
"Okay lang naman sa akin kahit sa cellphone lang tayo laging nagka-usap basta ba hindi tayo maghihiwalay. Kahit anong hilingin mo gagawin ko basta huwag ka lang makipaghiwalay sa akin. Mahal kita Alexa."nagmamakaawang sabi niya sa akin habang may mga luhang nahulog sa kanyang mga mata.
Naawa na ako sa kanya lalo na sa kalagayan naming dalawa. Gusto ko nang tapusin ito pero siya ang ayaw. Hindi ako sumagot sa lahat nang mga katanongan niya basta tahimik lang akong nakaupo dito sa bench sa tabing dagat.
Dito ko kasing naisipan makipagkita sa kanya dahil walang masyadong tao at walang makakita sa amin. Natatakot kasi akong may makakita sa amin na kakilala ko at magsumbong sa pamilya ko.
"Please!!kaya natin to...walang susuko sa ating dalawa. Umabot nga tayo nang 3 years sa ganitong set-up at ngayon ka pa susuko. Hindi mo na ba ako mahal dahil ako sobrang mahal kita."pagsusumamo niya sa akin habang nakaluhod sa aking harapan at hawak-hawak ang aking kamay.
Sabay sabay na tumutulo ang aking mga luha habang nakatingin sa kanya. Sobra na siyang nasaktan sa mga pinaggawa ko sa kanya. Kaya niya akong ipaglaban sa pamilya ko pero ako ang laging pumipigil sa kanya.
"Mahal kita Samuel kaya gagawin ko ito. Maintindihan mo naman sana ako. Huwag mo na akong pahirapan pang magdesisyon."umiiyak kung sabi sa kanya.
"Ayoko ko!!hindi ko kaya. Mahal na mahal kita. Please huwag kang sumuko sa relasyon natin. Nagmamakaawa ako!!kaya natin to."lumuluhang sabi niya sa akin.
Nakapagdesisyon na ako. Ipaglalaban ko siya hindi dahil sa naawa ako sa kanya kundi sa sobrang mahal ko rin siya.
"Walang susuko. Kaya natin ito. Mahal na mahal rin kita."sabay yakap sa kanya nang mahigpit.
Kaya namin ito basta magkasama kaming haharap sa mga problemang dumating.
******************************
AUTHOR'S NOTE:
YOU ARE READING
My Textmate
Teen FictionNagkakilala, nagkatagpo, nagligawan, naging magkasintahan, at tumagal pagkatapos nagpakasal at nagkapamilya nang dahil lamang sa cellphone. Textmate ang naging daan...
