Prologue

2 0 0
                                        


"Saan ka na naman galing?!" Bungad ng kaniyang tiyahin nang madatnan siya sa sala na nakaupo at tila ba balisa.

Hindi niya alam kung paano niya sasabihin na kaya siya inumaga ng uwi ay dahil sa dumayo na naman siya sa karerahan para kumita kahit papaano.

"Sa kaklase ko lamang Tiya Marie, naggawa kami ng group project sa Social Science" pagsisinungaling niya.

Mariin siya nitong sinuri mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka naman siguro nakainom ano?" Pagdududa nito sa kaniya.

Marahas siyang napailing dahil totoo namang hindi siya uminom.
Ito ang bagay na madalas nilang pagtalunan ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi talaga siya nakipagbarkada sa kung sino para uminom ng alak.

"Magaling! Oh siya kumain ka na roon at maghanda ka na" bahagyang napakunot ang noo niya sa tinuran ng tiyahin.

"Ho? Bakit ako maghahanda? May lakad ba tayo Tiya?"

Agad siya nitong nilapitan saka pinilipit ang tenga niya.

"A-aray! Masakit Tiya Marie! Tama na! Aray! Aray ko po!"

Halos magkulay kamatis na ang tengang pinilipit ng tiyahin niya.

Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa labis na inis.

"Oh! Bakit ganyan ka makatingin? Kasalanan ko bang kinakalawang na iyang utak mo kaya hindi mo naalalang kukuhanin ka ng Tiyuhin mo para roon sa probinsya magaral!"
Agad na nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto ang noon pama'y binilin sa kaniya ng tiyahin.

"N-ngayon na ho ba?"

"Aba'y oo! Kanina ka pa ngang hinihintay noong anak ng Tiyuhin mo. Hindi ka raw masusundo ni Rafael kaya si Zacario ang pinapunta niya rito." Naghuhumirintado siyang napatakbo sa kaniyang kwarto.

Kaagad siyang namili ng susuotin niya.

Nagdadalawang isip pa siya kung magbibistida siya bagay na ayaw na ayaw niya.

"Eh si Zac iyon! Paano kung pagtawanan niya ako pagpangit ako? Paano na?!" Mabilis ang tibok ng puso niya, daig pa niya ang nagjogging magdamag.

Sa huli napagpasyahan niyang isuot ang bistidang pula na bigay pa noon sa kaniya ng kaniyang kapatid.

Mabilis ngunit marahan siyang lumabas saka nagpalinga-linga nang maamoy niya ang pamilyar na pabango.

"Z-zac?" Kinakabahan siyang lumingon at gaya ng inaasahan naroon nga ito at siya'y pinagmamasdan.

"Wow! Himala nagbistida ka?" Bahagya pa itong napatawa na kinalaunan ay naging halakhak na.

"E-eh ano naman ngayon? Pakialam mo ba?!" Utal-utal man nagawa pa rin niyang magpanggap na kalmado.

"Wala, Ikaw naman hindi mabiro. Naninibago lang ako sayo...ang tagal rin kasi buhat ng huli tayong magkita"

"Oh! Tama na iyang bangayan niyo, Hala sige! Humayo na Kayo at baka traffic na naman sa Edsa." Biglang pagsingit ng tiyahin.

Kapwa sila natahimik, napagpasyahan ng dalaga na magpatinuuna na sa paglalakad.

Pero agad din siyang napatigil sa huling sinabi ng binata.

"I told you...you were made to be mine"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SAY YOU WERE MADE TO BE MINEStories to obsess over. Discover now