You Made Me Believe In Love : Chapter I

21 2 2
                                        

Alexa's POV

" Hayyyy... "

Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may garden na secret tambayan ko sa tuwing break time o di kaya naman ay may problema akong iniisip.

" Malapit na ang exams pero wala pa rin akong pambayad sa tuition fee ko. Ano nang gagawin ko? "

Iniisip ko Kung saan ako makakakuha ng perang ibabayad ko sa tuition fee ko dahil ilang araw na lang exams na. Hindi na rin ako pwedeng magpromisorry note dahil the last time na ginawa ko yun ay hindi na umubra dahil sa lagi ko iyong ginagawa.

Siguro nagtataka na kayo Kung bakit? Simple lang, nagaaral kasi ako sa isang mamahaling School dito sa lugar namin. Bakit sa private school pa ako nagaaral eh Kung hindi ko naman afford ang tuition fees? Kasi I used to be a princess before nung hindi pa kami naghihirap at ever since dito na talaga ako nagaaral hanggang ngayong grade12 na ako. Luckily naghirap kami last year lang. Nabankrupt ang Negosyo ng pamilya ko na naging dahilan ng paghirap namin. Nung una nahirapan akong tanggapin pero nung tumagal na nakapagadjust na ako. Pero hindi ang parents ko. Simula nang maghirap kami lagi na nilang pinagaawayan ang tungkol sa bagay na iyon. Nagsisisihan sila Kung bakit ganito na ang sitwasyon namin sa buhay. But then never nilang naisip na maghiwalay na ipinagpapasalamat ko sa diyos. Natuto akong magtrabaho para sa akin at sa pamilya ko na nakakatulong naman sa pangaraw araw naming gastusin.
Luckily dahil na sa amin pa rin ang bahay namin na kaisa isang natira sa mga naipundar na properties nila mommy at daddy. Yun nga lang wala na halos gamit sa bahay dahil paunti unti ay naipagbibili na. Wala naman na kaming malapitan dahil kahit malalapit naming pamilya at kaibigan wala nang gustong tumulong sa amin. Ayaw naman akong palipatin nila mommy at daddy sa public school kaya heto at nandito pa rin ako.

Muli akong nagisip ng paraan para kumita ng pera nang biglang magring ang phone ko.

Unknown number

" yes hello? "

" Alex "

He's voice sounds familiar

" yes speaking, may I know who's in the line please? "

Malumanay kong tanong sa caller.

" it's me Tommy! "

Masayang sagot nito sa kabilang linya na ikinagulat ko. It's been a years since the last time we saw each other.

" Tom-Tom!"
Ganun na lang ang tuwa ko nang malamang siya ang tumatawag sa akin. Kaisa isang kaibigan ko siya dito sa school. Kaya nang malaman kong magtatransfer siya sa U. S. two years ago ay sobra akong nalungkot. I wonder ano kaya ang hitsura niya?.

" Hey princess , I just called to confirm if you're still alive."

Narinig Kong tumatawa ito sa kabilang linya. Princess ang tawag niya sa akin na sobrang namiss ko talaga.

" ofcourse I am. Andaya mo ngayon mo lang ako tinawagan, you're not here when I needed you the most ". Malungkot kong sabi sa kaniya. Siya kasi ang nalalapitan ko noon kapag may problema ako. He always makes me smile when I'm feeling down. Kapag may mga nambubully sa akin lagi niya akong pinagtatanggol. Kaya sobra sobra akong umiyak nang mawala siya.
Narinig ko siyang tumawa.

" Nakapouty ka nanaman ano? Pitikin ko kaya yan?" at di na niya napigilan at napahalakhak na siya.

"grabe ka ang mean mo pa rin sakin " di ko napigilan at napaiyak na talaga ako.

" Hey princess, are you crying? I'm sorry, I just can't help but to tease you like I always did. Shh I'm sorry. "
Bigla ay nagaalala niyang pagalo sa akin.

"No, it's just that... I realized how much I miss you. Please come back here."
Malungkot na pagamin ko sa kaniya. Sobrang miss ko na talaga kasi siya.

Bigla akong nagulat nang bigla ay may magsalita sa likuran ko dahilan para mabitawan ko pati ang phone ko.

"Ay kabayo! "

" oh a crybaby , talking to her long distance boyfriend. "

What the hell?

"Who are you! You're eavesdropping! How long have you been there? "
Sigaw ko sakaniya sa sobrang inis.

" enough to heard all your dramas. Anyway I'm not interested. "
Sabay alis nang hindi man lang ako nakapagsalita para gumanti sa kayabangan niya. Samantala bigla kong naalala ang phone ko na nahulog at pinulot iyon. Napansin kong hindi pa pala tapos ang call kaya itinapat ko muli ito sa tenga ko. Awww! Sakit sa tenga.

" Hey Alex!! What the hell is happening!!?Are you okay!? Answer my fucking questions! " Sigaw ni Tom Tom sa kabilang linya.

" Wala yun, just a crazy stranger. "

" Are you sure? "paninigurado niya.

" Yeah, let's not talk about that crazy man, by the way how are you? Kelan ang balik mo? Sobrang miss na kita. "
Bigla bigla ay malungkot na sabi ko na agad niyang napansin.

" Is there something wrong? Tell me honestly Alexa, i know you. What is it? " kilalang kilala talaga niya ko.

Hindi ko nagawang sagutin siya dahil naiyak nalang akong bigla. Isipin ko pa nga lang ang mga kamalasang nangyari sa amin ng pamilya ko ay sobrang hirap na, ang sabihin ito sakaniya ay hindi ko magawa kaya naman nagpatuloy lang ako sa pagiyak.

"shhh.... Whatever it is, matatapos din yan. You're a strong kind of person i know." hearing his comforting words makes me more cry.

"Tom, i don't know what to do, hirap na hirap na 'ko."
Nanghihinang sabi ko at napaupo na lang sa isang bench.

" Where are you?" biglang tanong niya.

"Dito sa secret place natin sa s-". Biglang naputol ang call. Masaya ako at muli kong nakausap ang best friend ko. Ilang sandali kong tinitigan ang phone ko at napabuntong hininga sabay tayo para sana umalis na dahil babalik na ako sa klase ko. Pero laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nakatayo sa harapan ko.

"Tom? "

He's smiling at me and my tears starting to fall. Gahd! He's back! Di ko na napigilan ang sarili ko at tumakbo ako para yakapin siya. Sobrang miss ko talaga siya.

"Hey, baka naman madurog mga buto ko niyan sobrang higpit ng yak mo sakin. " natatawang biro niya sakin na ikinatawa ko na rin. Humiwalay ako ng yakap sa kaniya at sinimulang suntok suntukin siya sa dibdib.

"daya mo talaga, iniwan mo ko dito alam mo namang ikaw lang ang kaibigan ko dito eh. "nagsimula ulit akong humikbi. Pero imbes na pigilan niya ko sa ginagawa ko ay niyakap niya na lang ako.

"shhh.. I'm sorry okay? Nandito na ko hindi na 'ko aalis ulit". Pagaalo niya sakin. Tumango tango ako bilang sagot habang nakayakap pa rin sa kaniya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at matamang pinagmasdan.
Ang laki ng ipinagbago niya physically. Sobrang gumwapo siya at lalo pang tumangkad.

"hey why are you staring at me like that? Sobra ko bang gwapo ha? " biro niya sakin.

"Oo sobrang gwapo mo. Laki ng ipinagbago mo. Lalo kang gumwapo". Seryosong sagot ko na bahagya niyang ikinagulat at napansin kong namula siya?. " Tom-Tom your blushing! I teased him.

"N-no! I'm not! "sabay talikod sakin at naglakad paalis ng garden.
Natatawa ko lang siyang sinundan habang patuloy na inaasar. Masaya ako ngayong araw dahil nagbalik na ang kaisa isang best friend ko.


















-rizgee-

Sana ipagpatuloy nyo pa pong basahin ang story na 'to. Salamat po!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Will Make You Believe In Love Stories to obsess over. Discover now