Mabilis na mabilis naligo at nag ayos si Anika at halos hindi na nakapag almusal. Pasado alas sais na siya nagising at kailangan ay 7am ay bumabyahe na siya papuntang eskwelahan
"Anika. Unang araw na unang araw late ka.Dalian mo diyan at Kuya mo na ang mag hahatid sayo" paalala ng kaniyang ina
"Opo ma"
Halos mag teleport na si Anika papasok ng sasakyan ng kaniyang kapatid. Binukasan niya ang kaniyang Bag at tinignan lahat kung kumpleto na ba siya sa gamit.
"Ano tara na?" tanong ng kuya Andrei niya at saka siya tumayo.
Hindi siya mapakali sa loob ng sasakyan at tingin ng tingin sa kaniyang relo lalo na at traffic pa naman sa main road.
"Kuya bakit naman dito mo pa dinaan alam mo ng traffic e" reklamo nito
"Ginagawa yung daan sa kabilang kalsada. Saka wag ka magreklamo hindi naman ako ang late nagising" nginusuan lamang nito ang kapatid.
7:20 ng makapasok si Anika sa gate ng school at halos tumakbo siya papasok sa kaniyang classroom.
Muntik pa siyang mapasigaw ng may humablot sa bewang niya papasok sa locker room.
Napangiti siya ng makita ang kasintahan na fresh na fresh at gwapong gwapo sa unang araw ng pasok. Nakakahiya dahil siya naman ay sabog na sabog pa at inisip kung nakapagsuklay na ba ito dahil sa kakamadali
Ngumiti sa kaniya ang kasintahan ang binigyan siya ng halik sa labi.
"Ano ka ba baka malate tayo halika na"
"may 10mins pa tayo gust lang kita masolo" nakahawak parin ito sa balakang niya
"Asus Mr. Sebastian Alexander San Carlos. Nagkita tayo kahapon remember? At halos buong summer din tayong magkasama" Paalala nito.
"Kahit na. gusto parin kita makasama ngayon. Gusto kita kasama oras oras"
napangiti naman si Anika sa kaniyang kasintahan. ngunit nanaig parin ang kagustuhan nito na pumasok na sa Klase nila bago pa sila mahuli.
Hindi naman sila nabigo dahil nakapasok sila bago pa tumunog ang bell na hudyat na magsisimula na ang klase. Umupo sila sa dati nilang pwesto. Hindi pareho ang row ng mga babae at lalaki kaya magkahiwalay ang mga upuan nila. Naupo na si Anika sa Harapan sa kanang banda at likuran sa kaliwa naman si Sean.
Kinurot naman siya sa tagiliran ng kaibigan si Athena. At nagyakapan ang magkaibigan.
"Namiss kita Athenaaaa!" paipit na tili ni Anika sa Kaibigan na buong Summer ay nag stay ito sa Europe.
"Na miss kita but for all I know hindi mo man ako masiyado naisip nung summer becaaause..." Saka niya ininguso si Sean.
"Uy hindi kaya no" Pagtatanggol nito sa sarili
"Hindi ka ba nabagot? Sabi ko naman saiyo sumama ka saakin sa Europe e."
"Alam mo naman mag 18 palang ako di pako papayagan." sagot sa kaibigan na nag back-packing trip s Europa. Naputol ang pag uusap ng magkaibigan nang pumasok na ang kanilang guro at nagpakilala sa Klase.
Pagkatapos ng Klase nila sa umaga ay nag tanghalian sa Paborito kainan nila ni Sean. Ngunit dinala nila ang pagkain nila sa Roof top dahil dun sila madalas. Bawal talaga sa rooftop pero dahil sina Sean ang may ari ng Paaralan ay hinahayaan lamang sila. Pinalagyan ng silong ang rooftop pati narin mesa at upuan kaya lalong nakaka relax.
"Babe Hindi pala kita mahahatid sainyo. May soccer try out kasi gusto ko mag try out baka abutin na yun hanggang 6pm" paalam nito.
"mag ttry out ka? Iiwanan mo na sina Caleb sa Basketball?"
"Susubukan ko lang naman babe. Hindi naman ako aalis sa team" napatango naman si Anika.
Pagkatapos kumain ay bumalik na sila sa loob na classroom.
ESTÁS LEYENDO
This Time It's Love
Chick-LitGwapo, Chinito,Matalino,Mayaman,Ma respeto at mapagmahal si Sean. Nasa kaniya na ang lahat pati ang isa sa mga pinakamagandang babae sa school ay napaibig niya. Buong buhay niya ay halos planado na ng mga tao sa paligid niya. Paano kung isang araw b...
