Ating Kwento

15 1 1
                                        


Maraming tao ang dadating sa kwento ko at kwento niya

Ngunit hindi ba iisa ang kwento naming dalawa?

Hindi ba nmin kayo mapapaniwala na mahal talaga namin ang isa't isa

Hindi ba namin kayang ipakita ang puwang sa puso namin na pagmamay-ari ng isat isa

Ako naman talaga yung dapat na bida

Ngunit biglang may umeksena

Kaya napalitan ako ng iba

Pero ang lugar ko sa buhay niya ay akin lang talaga.

Maaaring ikaw ang mahal ngayon

Pero pang ilan ka nga ba sa mga mamahalin niya hanggang sa lumaon

Pangalawa ba o pangatlo

Pasensya na ako kase ang numero Uno.


Pasensya na kasi ako yung minahal ng sobra

At hanggang ngayon hindi niya makalimut-limutan pa

Kase ganun namn talaga diba?

Pag minahal mo ng TOTOO,  hinding hindi siya mapapalitan sa puso mo.

At yun ng nararamdaman ko


Siya ba, pang ilan sayo? Pangatlo o pang-apat o baka sobra pa.

Sa akin kasi siya rin ang nauna.

Totoo ba lahat ng pinapakita mo

O ginagawa mo lang yan para kaawaaan ka ng tao.


Oo na ang sama ko pero sobra na rin kasi yung sakit na nararamdaman ko.

Akin kasi dapat siya eh.  Sasagutin ko na pero bigla kang umeksena.

Katulad nung dati na may nanliligaw sa akin

Pero inagaw mo pa.

Sa susunod ba na taon at kung ibang tao na ang mahal ko aagawin mo ulit.

Ganun ka na ba kainggit para lahat lahat sa akin ay anihin ng sulit.

Naturingan pa naman kitang kaibigan pero ganyan ang ginawa mo

Buti pala yoon ay noon lang at hindi na ngayon
dahil buhay koy lalong magugulo


Sa susunod humanda ka , dahil baka sabihin nalang niyang ayaw niya na. 

Kasi babalik siya sa akin at bubuuin namin yung kwentong para sa amin talaga. 

Pasensya na kung masasaktan ka dahil sa pag-alis niya,

Di bale mararanasan mo na rin yung sakit na naramdaman ko nung ako ay lisanin niya




Dahil sayo. Ang kwento namin ay nagkaroon ng pahinga.

Ngunit pinapangako ko, ikaw ang makakabasa sa storya naming nabuo nung wala ka na. 

PoetryWhere stories live. Discover now