O_<
>_O
O_O
4th year.
^____^
"Senior na ako! Maaaaaaa!!"
Rinig ko ang mabibilis na yapak papataas dito sa kwarto ko.
"Anong nangyari, anak?! Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong ni mama pagkalapit saakin na kinakapa pa ang mukha ko.
"Ayos lang. Ayos lang, ma! Ang OA niyo naman masyado hehe. Masaya lang ang anak niyo dahil senior na rin sa wakas!" Sabay ngiti kay mama.
"Ikaw talagang bata ka! Pinag-alala mo ako! Nakuu!" Sabay gulo sa buhok ko.
Natawa naman ako dahil sa pagtingkayat niya hahaha.
"O sige na, maligo ka na't bumaba. Nakahanda na ang almusal." Nginitian niya ako at lumabas na sa kwarto ko.
Unang araw ngayon kaya nararapat lang na gawin kong masaya ang araw na 'to.
Nag-unat-unat pa ako at nag-ayos. Bago bumaba ay tumingin muna ako sa salamin.
"Goodmorning everyone! I'm Dame Laurentis an--"
"Pangit! Nakng! Okay, isa pa, isa pa."
"Hi, Dame Laurentis."
"Pucha!" Sabay kamot sa ulo.
'Bahala na nga!'
Bumaba na ako at nadatnan ko si mama na may kinakausap sa telepono.
"Yes, Mr. Yoo." At naglakad papuntang sala.
(-___-)
Mag-isa nanaman akong kakain?
'Tsh!'
"Sir Roy, nasa labas na ho ang kotse niyo." Tinanguan ko na lang si manang, kung ano man ang pangalan niya at nagpaalam kay mama.
Sumakay na ako sa kotse ko at minaneho papunta sa Oxford University.
Isang pristeryosong paaralan kung saan ako nag-aaral hahaha.
'Waley!'
Simula first year ay nandito na ako pina-aral ni mama. Ayos lang naman! Hindi ako famous, mabibilang lang sa kamay ang kaibigan, walang pinupormahan, sakto ang talino at parang isa lang akong ordinaryong mamamayan at estudyante!
Sa parking lot pa lang ay makikita mo na ang seguridad. Wala ri'ng inggitan dahil halos lahat at magagara ang mga sasakyan.
Ang mga uri ng estudyante? Merong papatid sa'yo, may mahangin, may nagmamaganda, plastik, siga, nerd, feeling gwapo, anorexic at kung ano-ano pa!
"Hoy! Tao po?" Namalayan ko na lang na nakatunganga lang pala ako sa kawalan nang katukin ako ni Dylan.
Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at sinarado ito.
"Aba! Ano yun,pre? Tulala ka d'yan sa loob. Naano ka?" Sarkastiko niyang sabi.
"Wala. Halika na nga!" Tumingin ako sa relo ko at...
"Anak ng tupang ina! Quarter to seven na! Male-late tayo!" Nagmadali kaming pumasok ngumit hinarang pa kami nung guard.
"Surname?" Walang gana nitong tanong habang nakatingin sa'kin.
"Laurentis." At binigay niya sa'kin ang ID ko.
Patakbo kaming dumiretso sa room 16 section 2 at nakahinga kami nang maluwag dahil wala pa ang prof namin.
YOU ARE READING
Aking Binibini
Teen FictionWalang pinipiling panahon ang pagmamahal. Mahuhulog at mahuhulog ka kahit walang kasiguraduhan na may sasalo. O aking binibini. Aking nag-iisang binibini. MAHAL NA MAHAL KITA.
