[Twenty-eight]

3.6K 99 3
                                    

B O N J O U R

Babala: Very Very short update... Sorry!

Chapter 28

Prince POV

Nang nagpaalam si Jess kanina ay naisipan na din naming lumabas. Nagpaalam din ako na mauna na sa kanila pero sa totoo ay nandito ako, sinusundan siya. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko kung bakit ko 'to ginagawa. Limang taon na ang nakalipas mula nang huli kaming nagkita at wala na akong balita sa kanya dahil wala talaga akong kontak dito sa Pilipinas.

Dapat ay galit ako sa kanya at mas lalo dapat na kinamumuihan ko siya pero iba ang sinasabi ng puso ko, iba din ang kinikilos ng katawan ko, at tila may sariling isip ang puso at katawan ko na sundan siya.

Hindi ko inaasahan na magkikita kami kanina, nagpasama lang sa akin si BJ na bumili daw ng regalo para sa misis niya sa dadarating na anniversary nila. Pero mukhang sinadya ata nila na pagtagpuin kami. I was just struck once again by my emotions. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw ko na sanang bumalik dito. dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanapin at makita siya.

Umuwi lang ako dito sa Pilipinas dahil may pinapaasikaso si Dad sa akin tungkol sa business namin. Kami na ni Dad ang nagpapatakbo ng negosyo namin sa US at sa iba't-iba pang bansa pati dito sa Pilipinas. Hindi ko itinuloy ang Medicine sa US, bagkus ay Business Ad ang kinuha ko para matulungan si Dad sa negosyo namin, at 'yon naman talaga ang gusto ni Mommy.

She is still the same beautiful lady I had loved and still loving. Polos magagandang babae ang naging kaulayaw ko sa US pero wala ni isa man sa kanila ang nakapantay sa taglay niyang kagandahan. Kapag tumititig siya sa mga mata ko ay tila kaya ko siyang patawarin nang paulit-ulit na hindi korin maintindihan kung bakit.

Nandito lang ako nakatago sa isang poste habang pinagmamasdan ko siya. Nakapikit siya na tila may inaalala, I even saw her wiped her eyes immediately. Umiiyak ba siya? Bakit naman siya iiyak? Parang gusto ko siyang lapitan at hagkan sa nakikita ko, pero mabilis siyang nakasakay ng taxi kaya wala na akong nagawa.

Naalala ko pa ang huli naming gabing magkasama. Everything that happened seemed so real. Hindi ito mukhang nagpaubaya lamang dahil gustong mabayaran ang perang ibinigay ng aking ina sa kanya. Parang gusto rin niya ang nangyari. Kaya ko na siyang iwan at nakapagpigil na ako maaga palang pero dahil sa ginawa niya ay natuloy.

Hanggang ngayon siya pa din ang sinisigaw ng isipan at puso ko. Nang muli kaming nagtapo kanina ay gustong-gusto ko siyang yakapin at hagkan ng paulit-ulit. Pinilit ko lang na tignan at iparamdam sa kanya na galit pa rin ako sa kanya.

Kapag naayos ko na ang business na inaasikaso ko dito sa Pilipinas ay babalik na agad ako sa US. This is not my place anymore. I couldn't not live here again without her in my life. I just can't.

----

(Prince at the right side...Pasensya na sa POV ni Prince, masyadong napaka-haba. -_-)

soshi_MYE

When Miss Nobody meets her Prince ✩COMPLETED✩Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon