"SHUT THE FUCK UP!" sabay na sigaw ng dalawang kidnappers. Namali naman ng intindi ni Crazy Kilt ang sigaw ng dalawang kidnappers.

"Talaga! Gusto niyong kumanta si Crazy Kilt? Ang babait niyo naman pala mga kaibigan! Sige. Pagbibigyan kayo ni Crazy Kilt!" Sigaw ng mangkukulam na manika. Kununot naman ang noo ng dalawang lalaki.

"HINDI IYAN ANG IBIG NAMING SABIHIN!!" sabay na sigaw ng dalawa. Pero huli na ang lahat ng nagsimula nang umawit si Crazy Kilt.

"🎵AKITS AY MAY LOBING! PLAYLOLO SA HEBEN!

Napamura ang dalawang kidnappers dahil sa nakakarinding boses ng manika!

'Tangna! Anong klaseng boses ito?!'

'Parang mababasag na ang twnga ko! Anong klaseng manika sa barang 'to?!!

Reklamo ng dalawang kidnappers. Napaluhod na ang dalawa dahil hindi na nila kaya pang tagalan ang kakaibang rindi ng boses ng manika.

Para nang binibiyak ang ulo nila.

🎵DI KONA NA SAYTING! JUMUTOKS NAY PALAY! SAYANG ANG PERA KO! BINILI NG LOBING!🎶

Nagsimula ng bumula ang bibig nang dalawang krimenal. Hindi na nila kinaya pa ang kakaibang sound wave ng mangkukulam nq manika.

🎵KUNG LAFANG LANG SANA! NABUSOG PA AKITS!🎶🎵"

"T-Tama n-na..." iyon lang at bumagsak ang dalawa na bumubula ang bibig.

"Ano ba iyan? Bagsak agad? Nabagot naman si Crazy Kilt niyan...gusto pa namang kumanta ni Crazy Kilt ng maramirami." Walang tigil na sabi ni Crazy Kilt habang nakatunghay sa dalawang lalaking wala nang malay. "Ano ba naman kayo! Gising! Maglaro pa tayo. Ngayon lang nakalabas si Crazy Kilt  eh. Tsaka wala namang nakakaantok sa kanta ni Crazy Kilt!! Gustong gusto nga ng mga tao sa Kaldea kapag kumakanta si Crazy Kilt eh!" (A/N (naka earplugs po iyong mga tao sa Kaldea kapag kakanta si Crazy Kilt. Syempre..hindi niya alam iyon. Ayaw lang talaga ng mga tagaro'n na manlulumo siya.😉 PS. Wag maingay ah😉)

Napatingin naman si Dorothy sa kanyang gardiyan na nagpapadyak sa inis.

Bumuntong hininga nalang siya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maawa sa gardiyan niya. Masyado itong nanlumo dahil tinulugan ng mga masasamang loob.

Kapag kasi lumalaban ito at nagsimulang kumanta dito sa kanilang mundo ay hindi naman bumabagsak agad ang kalaban nito. Minsan nga kahit tapos na itong kumanta ay nakatayo parin ang kalaban at sinasabihan si Crazy Kilt ng kung ano ano.

Iyon ang nagpapabuhay rito. Ang parating kumakanta.

"Wala na po ba ang nakakarinding boses Ate?" Tanong ni Azu na nagangat ng ulo. Nilagyan kasi ng babaeng nasa harap niya ng kung ano ang kanilang tenga.

Napalingon naman si Dorothy sa dalawang bata. Babae ang isa na sa hula niya ay bunso at ang mukhang binatilyo  na batang lalaki. "Oo. Tapos na siyang kumanta."

"Ganon po ba kapangit ang boses niya?" Tanong ni Ares.

"Atin lang ito ha? Huwag niyong sasabihin sa kanya." Ani Dorothy at inilapit ang mukha sa dalawang bata. "Oo. Pero iyon rin ang kapangyarihan niya." Tumanggo tanggo naman ang dalawa.

"Pwede ko po ba siyang e enroll sa voice lesson? Sasabihin ko po kay kuya ko." Kumunot ang noo ni Dorothy sa sinabi ni Ares.

"Anong voice lesson? Saka enroll?" Takang tanong niya. Tinignan naman siya ng dalawang bata na para bang siya ang pinakakakaiba sa lahat.

The Infamous Witch Dorothy (On Hold)Where stories live. Discover now