CHAPTER 37: Her Fiancé

Start from the beginning
                                    

Ano kayang magiging reaction nila pag nakita nila ako? Talak ng talak sina Dad at yung kaibigan niya sa stage but I never focused on them. Mas focused ko ang kabang nararamdaman ko. I think something’s wrong.

 

“May I call on now here on stage my son and my family?” Sabi ni Mr. Reyes. Di ako nakatingin sa kanila. Pabalik-balik lang akong naglalakad  dito sa backstage.

 

“Are you okay Venisse?” Tanong sakin ni Mom and so I nod even my heart is pounding nervously. Bakit ba ang tagal kaming tawagin ni Dad? Hindi na ako mapakali dito. Di na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Gusto ko nang matapos ‘to. Nagulat nalang ako nang lumabas na si Yunee at umakyat sa stage. Di ko naririnig yung mga sinasabi nila kahit ang lakas ng volume nung mga speaker. I was just focused on something and didn’t care of anything else.

“And I’m glad you to meet my second daughter, Miley Venisse.” Nilapitan ako ni Mommy at dahil sa gulat at sa sobrang kaba ko ay parang wala ako sa sariling sumunod habang inaalalayan niya ako. Paakyat kami sa stage at nakakasilaw na ilaw ang bumulaga sa akin. Napapikit pa ako sa sobrang liwanag. Kumurap-kurap ako at nilibot ang paningin ko hanggang matamaan ng mata ko ang pamilyar na mukha na nakatayo sa entablado.

Why… Why is he here on stage? His eyes were wide same as mine at mas lalo akong kinabahan. Nilapitan ako ni Dad at nginitian at dinala sa harap. Naalis ang tingin ko sa kanya.

“This is one of my twins, Miley Venisse Sanchez.” Nagpalakpakan naman ang mga tao and I smiled awkwardly. Napatingin ako sa direction nila Katsumi wherein kasama nila si Geenee. They’ve got their eyes widened at alam kong hindi sila makapaniwala. They knew me now… ako naman ang dapat makaalam kung sino talaga sila.

The crowd claps their hands. I’m not used to this. Sa lahat ng ayaw ko ay ang humaharap sa maraming tao. Though, sanay ako, hindi ako sanay na humarap sa mga kilalang tao. At ang dami ring press na dumalo. Kapag sikat ka nga naman, oo. Hindi ba pwedeng tapusin agad ang event na ‘to? Marami akong gustong malaman. Marami akong katanungan na gustong masagot.

Andami pang mga pasakalye ni Daddy. Di ko alam kung anong mga pinagsasabi niya at wala akong balak makinig. The crowd claps again at tumutok ang spot light sa amin. Sige pa… ipangalandakan niyo pa ang totoo kong pagkatao. I know na gulong-gulo na ang utak ng mga yon. Nilingon ko sila at seryoso lang silang nakatingin sakin. Nakakunot ang mga noo. Mahaba-habang paliwanagan ‘to.Pero wag silang mag-alala. Hindi lang ako ang magpapaliwanag, pati narin sila.

Hindi na ako nakikinig sa sinasabi ni Dad. Naiinip na nga ako eh. Nakaupo ako dito sa upuan sa stage at katabi si Mommy habang nakatingin kay Xander na seryoso lang na nakatingin sa harap at hindi na ako mapakali. Ano ba ‘to? Birthday party o endorsement? Kating-kati na akong tumayo. Bwisit! Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tumayo na ako. Sakto namang lumingon sakin si Dad at nagulat ako ng magpalakpakan ang mga tao. Para akong tangang nakatayo at hindi alam ang gagawin. Tiningnan ako ni Dad at nilapitan.

“Don’t be rattled. Just say what you want to say and smile.” He said. Tumango ako ng wala sa oras at pumunta sa harap. Anong sasabihin ko?

“Uhh…” Isip… isip… napatingin ako sa kanila. I sighed heavily. Nagpasalamat lang ako sandali at di ko na alam ang mga pinagsasabi ko at nagpalakpakan lamang ang mga tao. Uso ba palakpakan dito? Ano ‘to? Performance? May artista kaya kailangang pumalakpak ng pumalakpak?

“Uhh… yun lamang po… salamat sa pagdalo sa selebrasyong ito at, mag-enjoy sana kayong lahat. Thank you.” I said and turn my back and give the mic to Dad. Without saying a word, I walk out not because I’m shy or afraid… I walked out because I don’t belong there. Hindi ko kailangan ng atensyon. Yung kapatid ko, Oo… Umalis ako sa backstage at lumapit sa pwesto nila Spare at Craise. Halos katabi lang nilang table sina Seth. Di pa ako nakakaupo ay halos bombahin nila ako ng mga katanungan.

“Pwede, paupuin niyo muna ako?” Nanahimik sila at umupo naman ako.

“Now speak.” Seryosong sabi ni Geen. Tiningnan ko sila and I can see confusion in their eyes. Magsasalita na sana ako nang biglang magpalakpakan ang lahat. Napatingin tuloy kami sa stage at nakita kong nakatayo si Mr. Reyes, si Dad, si Yunee at si… Xander?

“Gusto naming ipabatid sa lahat ang nalalapit na kasalan ng aming mga anak, Yunisse Sanchez and Alexander Reyes…” Parang nabingi ako sa narinig ko… Kasalan? Alexander? Reyes? Yunisse? Fiance? Are… am I dreaming or what? Parang kumirot bigla yung puso ko. Tiningnan ko si Drache na nakatayo sa stage. He’s looking at me at mukhang gulong-gulo. Tiningnan ko si Yunee na nakangiti at parang alam na mangyayari ang lahat ng ito. Why him? Di ko napigilan at nagbagsakan na lamang ang mga luha ko. Tumayo ako at tumakbo paalis.

Lumabas ako at sa parking ako dinala ng mga paa ko. Napaupo nalang ako sa sobrang sakit at humagulgol.

“Vens…” Rinig kong may mga tumawag ng pangalan ko pero nagpatuloy lang ako sa pag-iyak. And there I saw Craise and Geenee in front of me. Niyakap nila ako at mas lalong bumuhos ang mga luha ko.

“Bakit siya? Bakit si Yunee pa?” I said between my sobs.

“Vens, let’s talk.” I heard a familiar voice. I wipe my tears and stand to look at him. Mukhang hindi niya rin alam na mangyayari ‘to. Niyakap ko nalang siya bigla at niyakap niya rin ako pabalik.

“Drache, don’t marry my sister… not Yunee please…”

“I’ll talk to my Dad. I won’t marry anyone if it isn’t you.” Mas lalong humigpit ang yakap namin sa isa’t isa. Kung noon, hinayaan ko si Yunee na agawin sa akin ang lahat, hindi na ako papayag na agawin niya pa sa akin ang lalaking tanging masasabi kong ‘akin’.

WAR OF THE GEMINI (KathNiel) ✔Where stories live. Discover now