Paris,City of Love [Short-Story]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Lagot ka sa mga pulis pag nakita ka nila. wag mo ng gagawin ulit yun ha? at sorry daw, sabi ni kupido. aayusin nya daw pag pana ulit saiyo" 

sabi nung lalaking maputi at nakangiti saakin.

pinaprocess kopa yung mga sinabi nya.

aayusin ni kupido pag pana saakin? at sino to? pilipino ba sya.

"miss wag ka na mag tanong kong sino at ano ako. magpasalamat ka at niligtas kita. dapat di kita niligtas kasi choice mo yung gagawin mo ee. medyo may nalabag akong kunti sa rules. oh well.. at least naka save ako ng life" nilagay nya yung isang kamay nya sa batok nya.

wow etong lalaki na to ay sobrang puti! at gwapo! para syang french. blonde ang buhok tapos yung haircut bagay sa kanya. medyo wala sya syang fashion style. puro puti ee. sino ba to?

"sabi ko miss wag ka ng magtanong ee"

"mind reader ka kuya?"

"hindi.kita naman kasi sa mukha mo ee"

"ah ganun ba.. pero hindi ako mag papasalamat sa ginawa mong paglitas saakin. kasi gusto ko naman yung gagawin ko ee. sana hinayaan mo nalang ako."

"hindi bagay saiyo yung facial expression mo. ano tawag dyan? bakit ka nakanguso?" tanong ni kuya espasol

"tse! ewan.."

"soon papasalamatan mo ako dahil niligtas kita. alam mo ba madaming nangyayari dito sa city of lovers? especially sa tower na to. madaming nakatagpo ng mahal nila dito. alam ko di ka naniniwala sa ganun kaya naman papakita ko saiyo"

huh? ano daw? sino to? assistant ni kupido?

nakita ko napa iling lang sya. mind reader?

"oi Freya alam ko napaka sakit ang nararamdaman mo ngayon. isipin mo hindi lang ikaw ang nakakaramdam ng ganyan. madami ring tao ang nagdudusa, katulad mo yung iba nag tangkang mag pakamatay.. imbis na mag hanap ng solusyon kung ano o sino tutulong sakanila eh" pari ka kuya? pari?

"tss. natamaan mo ako dun.. fyi dalawang oras na pong nakalipas ng nawalan ako ng buhay" sabi ko sakanya habang nakatingin lang sa buong syudad ng Paris.

(a/n: opo hindi namalayan ni freya na alam ni mysterious guy ang name nya :)

"ee. ikaw naman nag palaya diba?"

"tss. natamaan mo na naman ako. ginawa ko naman yun kasi hindi naman nya talaga ako mahal.. simula pa nung una.. bakit ko pa papatagalin relationship namin kung may iba pala syang gusto simula ng una diba?" lumingon na ako sakanya at nakangiti sya.

"alam ko hindi ka pa nakakatulong".

"ano kamo? pag katapos kong palayain yung mga hayop na yun?! hindi pa ako nakatulong? anong karapatan mong sabihin yan! sabihin mo nga!"

"arrange marriage kayo diba? at may promie ka pa sakanya na kukumbinsihin mo ang magulang mo na mag annul kayo. ee kung natuluyan ka kanina edi hindi mo matutupad promise mo. nagkasala ka pa ng malaki.. promise and death.. naku malaking sala yan"

"ano ba alam mo!" nag simula na akong lumakad palapit sa kanya.

halos magkadikit na kami ng mukha. nararamdaman ko na hininga nya. napaka lamig.. pati yung nararamdaman nya.. coldness..

"freya madami pang lalaki dyan.. mag simula ka ulit ng bagong buhay.. " tinignan nya ako ng walang expression sa mukha.

"s-sino ka ba talaga?" alam nya name ko?

tinuro nya yung lalaking tatalon din sa eiffel.

HALA!!

nagsimula akong tumakbo papunta sa kanya. shiiiit ang drama din netong lalaking to ah!

Paris,City of Love [Short-Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon