Number # 5: Alas!

Start from the beginning
                                    

“Dre, wag ka ngang magsalita! Ang bigat bigat mo kaya!”

“Bat bumalik ka?!” Edi ba ito ang labasan,

“Huh?!”  tapos HAY SALAMAT nakalabas na rin tapos binagsak ko siya. Bakit ba?! Ang bigat bigat kaya niya? Halos sampung kilo ng bigas eh ah-ah!

“Salamat! Salamat!” sabi ng girlfriend niya.

“Your welcome” tapos umalis na lang ako, bigla bigla,

Okay! Ako na si Superman. Okay lang. Pero bakit ganun. Ako marami akong na-ssave na taong hindi ko naman kilala kaysa sa mga malalapit sa akin.

“Hay~” tapos tumingin ako sa relo ko ulet,

“3:20 na. And back to my own life na”

6969696969696969

09:45 am

Umaga at kamukha ko na si Frankenstein. Hindi na kase ako natulog dahil kay Cola. Sobrang lungkot ko kase habang pagtulog eh wala siya. I am sure umiiyak na yun. Kaya ayoko ng mga ganito eh.

“Uy, mamay” tapos lumingon ako sa likod ko si Rydan, ang anak-anakan ko, naka-plain white shirt at boxers ata,

“May problema?” baka may problema to sa love life,

“Ganun agad-agad problema. Walang good morning man jan”

“Ay sorry, good morning Rydan. O bat naparito ka?”

“Nakita mo ba si Nate kagabi?”

“Oo. Bakit?”

“Asan ba siya pumunta?”

“Bakit?”

“Kase hindi na namin siya nakita. Pati si Colean eh. Sa tingin mo, san kaya sila pumunta?”

“Ewan ko rin eh, sorry” san kaya sila pumunta

“Sige. Salamat Mamay” tawag niya sa akin, tapos lumakad na siya papaalis “Hay sana hindi sila yung nalunod sa alon kagabi.”

“Ha!” tapos tumakbo papunta kay Rydan, “Ano?! Nalunod?! Saan???” Hala! Baka mapaano sila Cola. Ayoko pa silang mamatay

“Sa tabing dagat kagabe. Balita ng trabahador dito”

Tapos pumunta na ako sa may beach. Tapos hindi na ako nagdalawang isip na magswimming  para hanapin sila. Ayoko pang mamatay si Nate. Mas lalo na si Colean. Ayoko! Ayoko! Ayoko!

“NATE! COLA! NATE! COLA!” tapos after few minutes later…

*cramps*

“Shit! Nagka-cramps pa nga. Aray!” tapos hindi ko pa namalayan na nasa malalim na parte na ako ng dagat.

“Tulong! Tulong! Tulong! ... Turrung! Tu-“ at nilunod ako ng malakas na alon.

Tapos pumasok ang tubig sa ilong ko at sa bibig kaya hindi na ako makahinga.

Sorry Colean. Sorry Nate. Sorry sa lahat. Patawarin niyo sana ako.

………………………………………………………………………………………………………………………

Vince’s POV

                Isang bangungot.

Napanaginipan ko si Charm niligtas ako sa nasusunog na kubo.

Wrong number (Paused)Where stories live. Discover now