Akala ko lahat ng gulong iniwan ko noon sa Pilipinas ay matatakbuhan ko for good hindi rin pala.. At the end of the day kelangan ko rin silang harapin hindi para lang sa akin para na rin sa bubuoin naming pamilya ni Celine.


Hindi ko alam kung paano kong nagawang magmaneho pauwi despite ng lalim ng iniisip ko.


Nag-aalalang mukha naman ni Celine ang bumungad sa akin.


"Love.. Where have you been? May nangyari bang masama at bakit hindi kita ma-contact" Nag-aalalang bungad nito sa akin.


Maluha-luha akong yumakap sa kanya. Niyakap naman ako nito pabalik kaya hindi ko na napigilan ang emosyon ko at ibinuhos ko na ang mga luha kong kanina ko pa gustong ilabas.


Halos limang minuto rin siguro akong umiiyak. Lahat ng pagod ko, pagsisi at konsensya nagsabay sabay silang bumagsak sa harapan ko.


Wala akong narinig na kung ano man sa kanya marahil hinihintay lang ako niyon kusang magkwento.


"I'm sorry Love kung pinag-alala kita.. I broke my phone kaya hindi mo ako matawagan" Panimula ko.


"And.. Sorry kung pinag-alala kita something happen lang kasi kaya sobrang wala ako sa sarili at naging emosyonal" nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya yung rason ng iniiyak ko.


Baka magalit siya na umiiyak ako dahil sa ibang babae.. Pero hindi yun ganun.


"I understand.. I also understand kung hindi kapa handa i-kwento sa akin yung nangyari.." mapagpasensya nitong saad saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko ng mainit-init nitong mga palad.


"Basta palagi mong tatandaan nandito lang ako para sayo handang makinig at maging sandalan mo okay?" Saad nito bago ako masuyong hinalikan sa labi.


Parang sa isang penikula lang lahat ng pangamba ko ay parang naglaho ng parang bula sa lambot ng kanyang mga labi.


I'm so lucky to have you Celine.. and you deserve the world kaya ibibigay ko yun sayo...


.
.
.



Kinabukasan ay maaga akong umuwi galing trabaho para bumili ng bagong phone and even my phone number ay pinalitan ko na rin.


Agad ko namang tinawagan si Marian pagkatapos kong mag-open ng account sa bago kong phone.


"I already saw your message Diana.. What the hell happened?!" Ito agad ang bungad ni Marian sa akin.


"Hindi ko rin alam Marian kung paano niya nalaman ang number ko" Sagot ko naman.


"I already warned you before.. na ayusin mo na yung kay Cesca" Sabi nito.


She already warned me before pero hindi ako nakinig.. No one is expecting this to happen.


"Akala ko may mga bagay na pwede nalang idaan sa limot"


"Alam mo kung kasama lang kita ngayon.. baka nasuntok na kita" Naiiling na saad nito.


"Did Celine already knew about this??" Tanong nalang ni Marian.


"Nope, not yet.. Wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya ang nangyari.. She already thinking about sa annulment namin ni Isabel ayaw ko ng dumagdag pa ang problema ko kay Cesca" Sagot ko naman.


I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now