gising na
buksan ang iyong mga mata gising na
halina at silipin ang pagdilat ng umaga
tahimik at saksakan ng gandagising na
nandiyan na ang umaga gising na
nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha
at pungay ng iyong mga matakanina pa kita pinagmamasdan
kanina pa kita tahimik na binabantayan
hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw
sadiyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukhagising na buksan and iyong mga mata gising na
mayron sana akong gustong sabihin sa iyo
na di mapaliwanag ng hustogising na nandiyan na ang umaga gising na
hindi ko maintindihan ba't di mapantayan
ang kasiyahan na nadarama
tuwing nandiyan kabinabalak ko ng sabihin na minamahal kita
kasabay na pag sipol ng wala na yatang igaganda pa
nagsama ang ginaw at ang lamig ng araw
ngunit dala ng kaba
hindi ko yata kayang magsalitanakakainis isipin na di ko alam ang gagawin
ngunit walang magagawa di pa kayang aminin
ang pagkakataon ay dapat pang palampasin
di na lang kita gigisingin...