Reverie | ViceRylle

4.1K 75 8
                                    

Choices.

One thing you have a lot of pero napakahirap mamili.

I envy those people na napaka bilis mag-decide.

Isang beses lang may output na agad…

But me, no. Siguro...gusto ko lang maayos ang lahat.

 Gusto kong wala akong pagsisihan sa huli.



My name is Ana Karylle Tatlonghari. Most friends call me Karylle or just K. 32, and in a relationship. You might be asking kung bakit at thirty-two, I haven't settled down yet, though may boyfriend naman ako. Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Siguro dahil sa palagay ko hindi pa siya ang lalaking para sa akin. Hindi pa s'ya 'yung the one. H'wag n'yong ipagkamali pero mahal ko si Yael, that's his name. Sa mahigit dalawang taon namin bilang magkarelasyon, masasabi ko namang mabuti s'yang tao, a good boyfriend, at mahal n'ya ako. Mahal n'ya ako...



"Let me guess." Boses ni Anne na bestfriend ko ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. I looked away from the glass window of the coffee shop we're in at binigyan s'ya ng nagtatanong na tingin. "Iniisip mo na naman 'yung goody-two-shoes mong boyfriend kapag kasama mo pero kapag hindi ay ibang babae ang binobola." sabi ni Anne at bineso ako bago umupo sa bakanteng silya sa harap ko. I smiled. Sanay na naman kasi ako sa bunganga nito. She never approved of Yael. Ano raw masamang hangin ang nag-udyok sa akin na sa ganda ko 'to ay nag-boyfriend ako ng nuno? Sinubukan nga n'ya akong dalhin sa isang albularyo para ipatawas. I admit nagalit ako sa kanya noon dahil sa ginawa n'ya.


Kahit naman kasi bestfriend ko s'ya, wala naman s'yang karapatan na pakialaman ang mga desisyon ko at mga choices na pinili ko. Mahal ko 'yung boyfriend ko. Tapos.

"Anne, pakiusap naman." sabi ko. "Ano ba ang pwede'ng gawin ni Yael para magustuhan mo s'ya? Sabihin mo sa akin para masabi ko sa kanya so that the next time you meet eh maging okay naman." Anne just stared at me wide eyed.

"Wala akong sinabing ayoko sa boyfriend mo, K." sabi ni Anne na natatawa pa. "Ang sabi ko, ayoko s'ya para sa'yo. There's a difference. You know and I know na may playboy reputation 'yang pinili mo. For all we know that as we speak, may babae na namang binobola 'yung tao." I sighed. Tama naman kasi si Anne. Matagal na n'yang sinabi sa akin na playboy si Yael. I even caught him once pero nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan lang ako. Ang mahalaga, sa akin pa rin umuuwi ang boyfriend ko. Yes, we are living together, too.


"Anne, mahal ako ni Yael." matigas na sabi ko. Hindi ko na gusto 'tong tinatakbo ng usapan namin. Anne just smiled and crossed her arms across her chest and leaned back. "He loves me. He treats me well, he remembers important dates, he comes home to me."

"If so, we wouldn't be having this conversation." Sabi ni Anne. Natigilan naman ako. "Hindi mo 'ko dapat tinawagan dahil kailangan mo ng kausap dahil may nakita kang lipstick stain sa kwelyo ng polo ng boyfriend mo at pakete ng condom sa back pocket ng pantalon n'ya. Magpakatotoo tayo rito, K. You know your relationship is on the rocks. Alam mong niloloko ka ng boyfriend mo. At alam mong nagsasawa na s'ya sa'yo."

Tumagos sa akin ang mga salitang binitawan ni Anne. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako kung hindi pa s'ya lumapit at pinunasan ang mga luha ko. She's right. Hindi ako niloloko ni Yael. Ako ang nangloloko sa sarili ko. I let myself believe na fairytale itong relationship namin when it's not. Hindi man sinabi ni Yael na marami kaming babae n'ya pero alam ko. Kaso nagpakatanga ako.


"Alam mo kung ano ang tamang gagawin, Karylle." sabi ni Anne habang inaalo ako. "It's your decision, your choice. There's the door. Kung lalabas ka ngayon at pupuntahan si Yael kung nasaan man s'ya, I'd bet my money na mahuhuli mo s'ya with another woman and there you break up with him. But like I said, choice mo 'yan."

choice mo yan...
choice mo yan...
choice mo yan...

Anne's words echoed in my ears at parang milyun-milyong karayom ang tumusok sa puso ko sa katotohanang nakapaloob dito. Hindi ko na kakayanin pa ng isang segundo ang mga sinasabi ng kaibigan ko kaya walang kaabog-abog na niligpit ko ang mga gamit ko at mabilis na tinungo ang pinto.

Reverie | ViceRylleWhere stories live. Discover now