Chapter 34 : Little Talk

13.3K 61 2
                                    


Stephen's POV


1 month passed. simula umalis si Mickael. naging matamlay oh tila nag iba ang aking kapatid. pero, lagi parin sya nakangiti. halata namang pilit. ano ba talaga nangyari? Sunday ngayon kaya walang pasok. pumunta ko sa kwarto ng kapatid ko. pero syempre kumatok naman ako


'' Pasok '' 


'' Michelle '' 


mahinang sambit ko nang makita ko ang kapatid ko na naiyak. pinahiran niya ng marahang ang kanyang muka


'' hehe. anu yun kuya ? ''


ngumiti ito, magaling mag-tago ng emosyon ang kapatid ko. pero hindi niya ko maloloko dahil kilalang kilala ko na siya pero siguro ang ibang tao sa isang ngiti lang niya naloko na niya yun at kahit maloko niya ako, hinding hindi niya maloloko ang sarili niya.


ngumiti ako.. '' wala. bumaba ka na at kumain ''  lumabas na ako ng kwarto niya at pumunta ko sa kwarto ko at kinuha ang cellphone na bigay sakin ng kapatid ko. 


nag text ako kay allyson..

----------

To : Allyson

Papuntahin mo lahat ng members nyo sa headquarters nyo.

at wag mo pa-paalam to kay michelle.

NGAYON NA.

----------

nang ma send ko yun.. napa-tanga ko -__-

nakalimutan ko . hindi ko nga pala alam headquarters nila. nakaka bobo naman oh! kaya tinawag ko ang mga Black Rador Guards namin. kami lang ang may ganyang guards specifically dahil kami ang pinaka mayamang tao sa bansa, ang black rador guards ang pinaka-magaling at pinaka mataas na security ng guards. pinatawag ko sila at pinahanap ang headquarters na kailangan ko. nag intay ako ng mga minuto.. at bigla may nag report na sakin kung nasaan ito kaya't nag madali ako pumunta doon. nang makarating ako. wala nang katok katok at pumasok ako, nang nakapasok ako. medyo namangha ako. magandang lugar ito kung tutuusin muka siyang condo, siguro mga apat o limang malalaking condo ang ka-sukat neto


'' s-sino ka? '' isang boses ng babae


tumingin ako kung saan nanggagaling ang boses. nakita ko na nandito na din ang ibang gangmates nila. ngumiti ako..


'' kakausapin ko lang kayo. ''


End of Stephen's POV 

Trouble Maker : Legendary GangsterWhere stories live. Discover now