Candidate Number 7

19 0 0
                                        

Nakita ko yung poster for "Ms. Santa Teresa Academy" pero hindi ko pinansin. Katabi kasi niya iyung poster ng volleyball tryouts, at siyempre iyon ang binasa ko. Kailan daw? Sa Friday na, pero para sa freshmen lang.

Tatanungin ko nga si Chel, magbabaka-sakali ako. Baka puwede ang sophomore na, kung transferee naman.

Bagong lipat ako sa Santa Teresa, at ngayon ay schoolmate ko na si Chel, ang best friend ko. Magkapitbahay kami pero ako palipat-lipat ng school mula kinder, siya loyal sa Santa Teresa. Naka-ilang school na ba ako? Hindi ko na maalala. Heto ngang second year pa lang, pangalawang school ko na ito.

Hindi naman dahil bagsakin ako ha. Hindi ako top ten, dahil na rin sa hirap mag-adjust sa bagong school kada ilang taon, pero hindi naman ako tanga. Masyadong uptight lang ang mga magulang ko tungkol sa mga "bad influence" sa school, at kapag may naging kaibigan akong hindi nila gusto, inililipat na lang ako.

Sana naman ay hanggang dito na lang. Nandito naman si Chel. Gustong-gusto nila si Chel dahil maayos ito manamit, hindi pala-mura, at marunong makitungo sa mga adults. Samantalang ako...hindi masyado? Masyadong matangkad para maging cute, masyadong athletic para maging mahinhin. Masyadong prangka.

"Iyang self-esteem mo ha," laging sinasabi ni Chel. "Strong. Opinionated. Intimidating. Ganyan. Hindi pintas iyan. Own it."

Hindi kami sabay pumasok ni Chel kahit na magkapitbahay kami. Iyong school bus niya kasi, puno na ang slot. Minsan hinahatid ako, minsan nagko-commute ako.

Naabutan ako ni Chel na binabasa pa rin ang volleyball tryout poster.

"Morning, Donna," sabi niya.

"Kilala mo ba ang mga 'to?"

"Naku Donna, hindi iyan. Sabi ko may plano ako para sa iyo, di ba? Para maging memorable ang Santa Teresa para sa iyo at sa parents mo? Para hindi ka na ilipat?"

Si Chel, mahilig magplano. "Oh god. Ano? Ano?"

May piece of paper na iwinagayway na lang sa mukha ko. Sabay turo si Chel sa poster na katabi. "Pinasali na kita dito. Ms. Santa Teresa Academy! Good morning, Candidate Number 7!"

TO BE CONTINUED SALAMAT SA PAGBASA!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 21, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Candidate Number 7Where stories live. Discover now