Nagsisimula na rin akong mainis sa Cheska na iyan. Sana lang talaga swertehen siya sa pinaggagawa niyang hindi maganda. Nakakainis.

"Kawawa naman si Kuya Leo kapag nagkataon. Sino ba iyan nang maresbakan natin?"

Parang ang sarap kasing sabunutan ganoon. Paano kasi, parang walang konsensya, hanggang ngayon ipinagpapatuloy niya pa rin yung panloloko niya. Ano kaya ginawa niya para magustuhan siya ni Kuya Leo? I bet masama ang ugali niyon.

"Makikilala mo siya mamaya. Hopefully."

Biglang pumito si Madjot pagkatapos sabihin iyon. Akala ko tapos na yung laro pero nagkamali ako. Lumapit kami kina Kuya Leo at #11

"Ano ba Kuya?! Bakit mo ginawa iyon? Matagal ka nang naglalaro ng Basketball so supposedly alam mong bawal yung ginawa mo dahil nasa rules iyan!" Naiinis na sabi ni Madjot.

"Tapos na ang laro. Ako ang panalo so uuwi na tayo whether you like it or not." Sabi ni Kuya Leo at hinila na niya kami ni Madjot.

Habang hinihila kami ni Kuya Leo ay nagwawala si Madjot. Ngayon ko lang siya nakitang magwala ng ganoon. Habang nadidistract si Kuya kay Madjot ay nagulat ako ng may biglang humila sa akin. Pati si Kuya Leo nagulat kaya nabitawan niya ako.

"Since nandaya ka, Siya ang magbabayad ng parusa mo." Sabi ni #11 kay Kuya Leo habang naka-akbay sa akin. "Iyong-iyo na rin yung Girlfriend mo tutal sawa na ako sa kanya."Mas lalo niya pa akong inilapit sa kanya. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Bakit ba ganito?

"Okay." Sabi ni Madjot na nakapagpanlaki ng mata ko. "Tara na Kuya. Ikaw kasi nandaya ka kaya ayan. Makonsensya ka."

"Tigilan mo nga ako Maddie." Halatang naiinis na si Kuya Leo. "At ikaw naman, dati kapatid ko ang pinupuntirya mo tapos ngayon pinsan ko? Hindi ka pa rin ba nakakapag-move-on sa kanya at ganoon ka kadesperadong maghiganti sa akin? Gamit ang kapatid at pinsan ko?"

Bigla na lang natawa si #11 pati si Madjot na nakapagpakunot ng noo ni Kuya Leo. Siguro iniisip ng mga ito na masyadong proud si Kuya na hinahabol ni #11 yung Girlfriend niya. Hindi niya alam pinaglalaruan na siya nito.

"Sorry Leo, I'm not that desperate unlike you." Susugurin na ulit sana ni Kuya Leo si #11 pero buti na lang napigilan siya ni Madjot. "Tinamaan ka ba?" Nakakalokong tanong ni #11

"Hayop ka talaga!"

Halatang sasabog na si Kuya Leo at feeling ko kapag sumabog siya, may isang pupunta ng Ospital ngayon o pwede ring dalawa rin silang pupunta ng Ospital.

"Nagagalit ka na agad. Wala pa nga akong ginagawa sa pinsan mo hindi ba? Akala ko ba alam mong may gagawin pa akong masama sa kanya? Gusto mo bang gawin ko na?"

"Subukan mo lang. Baka ito na ang huling panamalagi mo dito!"

Naging masyadong mabilis ang mga pangyayari kahit nakakaramdam ako ng slow motion. Naramdaman ko na lang na dumampi yung labi ni #11 sa labi ko. Feeling ko aatakihin ako sa puso ngayon dahil sa kanya. Naramdaman ko rin yung sinasabi nilang butterflies in your stomach. Ilang segundo pa ang lumipas at humiwalay na siya pero ako lutang pa rin dahil sa nagpa-process pa lang sa utak ko yung mga nangyari.

"Huwag kang magbibitaw ng salita Leo dahil kayang-kaya kong patunayan sa iyo na kaya kong gawin iyon."

Tuluyan nang sumabog si Kuya Leo at pati si Madjot ay naitulak niya sa kagustuhan niyang masuntok si #11. Bigla akong nataranta kaya ginawa ko na lang yung gusto kong gawin sa kanya pagkatapos niya akong halikan. Sinuntok ko siya sa mukha na ikinagulat nilang lahat. Maski ako nagulat.

Lumapit ako kina Kuya Leo at tinulungan kong makatayo si Madjot. Kailangan kong gumawa ng paraan para matigil na sila sa pag-aaway. Alam ko namang hindi ako matitiis ni Kuya Leo e.

#11Where stories live. Discover now