There. Right freakin' there. He professed his undying like for me. Gusto kong mapatili pero kinontrol ko ang sarili ko. Maano bang magpakipot ako ng kaunti diba?

"Ano?" untag ni Caleb. "Di ka ba talaga sasagot d’yan? Ganun na lang 'yon?"

"Eh k-kasi.."

"Kasi ano nga? Puro ka kasi!" hinawakan niya 'ko sa magkabilang balikat at bahagyang inilayo sa kan’ya. Sapat lang para magtama ang mga mata namin. Gorgeous gorgeous eyes. Haay Caleb. Kung mas nauna lang sana kitang nakilala kaysa kay Axel. Siguro ang pinaplano ko ngayon, hindi ang bawiin ang ex ko kundi kung paano kita pipikutin.

Buhay nga naman! This is the ultimate example of bad timing. Pero hindi pa naman huli ang lahat diba? Or is it?

"Wala man lang ba 'kong makukuhang 'I like you, too'? Pambihira ka." ngumuso na parang bata si Caleb at tumingin sa malayo.

"Seryoso ka ba?" napakagat ako sa labi ko. Teka lang naman kase, baka mamaya naman niloloko lang ako nitong bugok na 'to!

He glared at me. "Ay, hindi! Nagjojoke lang ako!" naiiritang tinalikuran niya 'ko.

Buong akala ko iiwan nIya 'ko sa gitna ng dance floor na 'yun pero matapos lang ang ilang hakbang, padabog na bumalik sya at hinablot ang kamay ko. "Alam mo, nakakainis ka!"

Halata sa boses nya ang pagkayamot habang kinakaladkad nIya 'ko palabas ng bar na 'yon. Nang nasa beach na ulit kame saka nIya 'ko hinarap. "Akala ba ninyong mga babae, madali lang magconfess ng nararamdaman naming mga lalaki? Para sabihin ko sa’yo, ha? Mahirap! Para ‘kong constipated. Hindi ko alam kung ilalabas ko na ba talaga o hindi dahil natatakot ako sa laki at tigas ng tae ko!"

And here he goes with his fecal analogies again.

Napapangiti na ko kaya inipit ko ng hintuturo at hinlalaki ko ang mga labi ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang siya inis na hinihila ang dulo ng mga buhok niya.

"Say something, Natalie! Ngayon mo ilabas ang daldal mo!"

"I don’t know what to say!" napangiwi ako. “Speechless.”

"Ngayon pa? Putres naman!" nakakatuwa siyang panuorin habang inis na inis siya don. Ang cute. I wanted to pinch his cheeks and hug him tight tapos ilagay sa bulsa ko. Ganun siya ka-cute pag frustrated siya.

I flinched when he suddenly grabbed my cheeks and stared at me intently. For a second there, I thought he was going to kiss me but he didn't.

Sayang.

"Fine." nahulog ang mga kamay niya sa tagiliran niya. "I'll give you time to process your thoughts. Alam ko nabigla ka and all that shit, plus you have alcohol in your system, which we both know, doesn't go well with your brains." he sighed. Pinaalala nanaman niya kung gaano ako kabugok pag nakainom. Lokong 'to. "Tara na, let's head back. Magpahinga ka na."

He did all the talking. Ni wala ata akong nasabing matino sa loob ng ilang mga minutong ‘yun. All I did was giggle like some school girl in her pig tails. Oh Caleb, don't you think you're liking the wrong girl?

----

Caleb

I pushed another plate in front of Natalie. "Ubusin mo 'yan." nakangising sabi ko sa kan’ya.

She pouted but obliged. Hindi na namin itinuloy ang plano naming paglalasing. Instead, I figured we should just pig out on food. Nakakatuwa naman panuorin ang babaeing 'to habang inuubos niya ang inorder namin.

"Nasasayang yung pagkain. Order ka ng order, hindi mo naman pala kayang ubusin." she scolded me.

Hindi ko sya pinansin. Bagkus ay natuon ang mata ko sa flat niyang tiyan. "I don't know where you put all those things. Wala ka namang tiyan, ang payat mo pa. Di kaya may bulate ka?" napangisi ako. Gusto ko sanang sabihin na ang lahat ng kinakain nya napupunta sa boobs nya kaya lang baka sampalin ako. Masabihan pa akong bastos. Nagpapagood shot na nga e.

Steal thy heart (PUBLISHED BY BOOKWARE)Where stories live. Discover now