Mr. Stranger 21:

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kailan ka pa natutong mag-tagalog?" Kunot-noo tanong ko dito.

"My troops teach me." Bitin na sagot nito habang naglalakad kami.

"Who's troops?" Tanong ko pa rin.

"My troops. My friends." Nakangiting sagot nito.

Sinong tropa nito?

"Paano ka nakilala ng mga taga dito?"

"Because I'm Ros. King of ROS." Sagot nito at ngumiti ng proud na proud.

**End of Flashbacks**

"Troops? Sino ang Tropa niya? Baka may ginagawa siyang mali kaya nagkaroon siya ng pera pambili ng sapatos na ito? Baka ang tropa niya yung mga adik dito? O kaya pinasok siya ng mga kaibigan nito sa sindikato?" Sunod-sunod na tanong ko.

Patay! Natatakot ako sa magiging Ros sa susunod. Baka maging adik rin siya at kasing sama ng mga naligaw na landas na mga kabataan dito.

Wag naman sana...

MANDY YU POV:)

Di ko pa rin malimutan yung kagabi. Kung paano nagmakaawa sakin si Ros...

**Flashbacks**

Bumangon agad siya sa kinahihigaan si Ros. Kakagising lang niya dahil nawalan siya kanina ng malay. Di ko alam bakit ganun nangyari sa kanya. Sabi ng doctor, okay naman daw si Ros pero kagagaling lang raw ito sa aksidente. May sugat kasi ito sa may ulo baka nabangga raw ito noon.

"Okay kana?" Tanong ko dito.

"Where I am?" Imbes tanong niya sakin.

"You're here in the hospital. You lost your consciousness thats why, I bring you here. I thought somethings happened." Paliwanag ko sa kanya.

"What time is it?!" Panay lingon sa paligid na tanong niya. Naghahanap siya ng relo at para makita niya kung anong oras na ngayon.

"Its already 8 in the evening---"

Di napatuloy ang sasabihin ko nang umalis na siya sa kama. Napatayo naman ako sa pagkakaupo. Sinuot na nito ang tsinelas niya na nasa ibaba lang.

"I have to go. Lady Beth is waiting for me, I know she's worried on me." Tarantang sabi niya.

"Who's Lady Beth?" Takang tanong ko dito. Siguro, boss niya? Lady Beth kasi tawag niya e.

Naglakad na siya palabas ng kuwarto kung saan siya naka-confine.

"The someone special to me." Sagot lang niya habang naglalakad para makalabas na ng hospital.

"Wait! I'll sent you there." Prisinta ko. Kakaawa naman kasi. Pasalamat siya mabait ako ngayon kaya sagarin na niya ngayon.

Napatigil siya sa paglalakad sa sinabi ko. Tumango naman siya bilang pagpayag na ihahatid ko nga siya sa kanila.

"Okay. Tawagan ko muna si Manong Driver." Sabi ko at nag-dial sa cp ko.

Nakalabas na nga kami sa hospital at di mapakali si Ros dahil baka naghihintay na sa kanya si Lady Beth niya. Sino bang Lady Beth na iyan? Boss niya? Asawa niya? Pinsan niya? Mama niya?

"Manong, pumunta kana dito." Sabi ko sa kabilang linya pagkatapos binaba na ang tawag. Humarap ulit ako dito."Whats your exact address so we can sent you directly on that place." Tanong ko dito.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon