you heal my broken heart

Comincia dall'inizio
                                    

nagulat ito ng biglang tumayo ang nakaupong si Janna at kumaripas ng takbo papuntang kwarto...

*uy! nakakagulat ka naman Janna!! anong nangyari sayo! (wika nito)

ngunit di na siya tinugon pa ni Janna...

dali daling nag ayos si Janna ng sarili at pagkaraa'y dali dali itong lumabas na ipinagtaka ng kanyang kasama sa bahay.

Naalala ni Janna ang pinag-usapan
nila noon ni Jaeyoung...

Gusto na ng dalaga na ibigay na ang kanyang matamis na "Oo" ngunit mukhang nangangamba na siya na mukhang ayaw na sa kanya ng binatang si Jaeyoung...

kaya ng makarating sa tagpuan nila na kanilang pinag-usapan ay balisang balisa ito na lumilingon sa paligid na nagbabakasakaling madungaw niya ang binatang si Jay.

ngunit inabot na siya ng alas tres ng hapon...

ni isang anino man wala siyang nakitang Jay sa paligid...

hanggang sa pumasok na nga sa kanyang isipan na sisihin ang sarili sa mga inasal niya sa binata.
hanggang sa napakagat na nga siya sa labi at umu onti na ang kanyang tsansang dumating pa ang binata.

Inabot na siya ng takip silim, wala pa rin ang binatang si Jay.
Napapaupo't napapatayo siya sa kasisilip sa paligid.

Maya maya'y napayuko ang kanyang ulo na napatingin sa kanyang cellphone habang nakaupo.
at nagwika sa kanyang isip...

You heal my broken heartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora