"In love with my Best Bud"

Start from the beginning
                                    

Si Stephanie Park nga pala yung girlfriend ni Shane na cheer captain ng basketball cheering squad, she’s my total opposite sya kasi yung tipo ng babae na ‘Guys Dream Girl’ tapos si Shane ‘Girls Dream Guy’ perfect match talaga sila …  Yun nga lang ang panget ng ugali nya pag wala kasi si Shane ako lagi yung pinagtitripan nya at ng tropa nya pero pag nandyan naman si Shane kala mo sobrang tagal na namin magkakilala kung makipagchikahan, kaya yun nakikisakay nalang ako …

********

Tuesday lunch time namin si Shane nasa gym nagppractice kaya eto ako ngayon mag-isa naglalakad papunta ng cafeteria, well I hope na di ko makasalubong sila Steph at yung bitchy friends nya …

*BOOOGSH*

Napaupo ako bigla sa sahig dahil sa lakas ng impact ng pag ka bunggo ko ka … ka … Kay STEPH?!!! OH MY! What am I supposed to do now for sure higit pa ang igaganti nito sakin ... Shane HELLLPPP!!!!

“Sorry Steph I didn’t mean t--- ” sabi ko sa kanya nung nakatayo na ko habang nakayuko … I don’t wanna see her evil face…

“Sorry?!!  May magagawa pa ba yang sorry mo?! Nangyari na eh” sya pa ang galit nyan ako na nga yung napaupo sa lakas ng impact eh parang tinulak nya ko or something may naramdaman kasi ako na tumulak mula sa harap ko kanina bago ako mapaupo sa sahig…

“But to make it fair … Here’s a drink for you *smirk*” sabay tapon nya ng juice sa ulo ko … Now what?!

“Ooopppsss!!! Sorry I didn’t mean too lumabo kasi mata ko eh … Pwede pahiram ng glass mo next time … Hahahahaha “ dagdag pa nya, tapos sabay tawa nung mga taong nakakita … Hindi ko na talaga kaya yung mga nangyayari, kaya tumakbo nalang ako paalis sa lugar na yun …

Habang tumatakbo  hindi ko na napigilan yung sarili ko na umiyak, hindi ko na kasi kaya yung pamamahiya na ginagawa sakin ni Steph eh … Bakit nga ba hindi na ko nasanay???! Halos araw araw naman nya na tong ginagawa sakin eh … Ewan ko ba sa sarili ko ang hirap sanayin dapat immune na ko sa mga ginagawa nya eh pero hindi… Takbo parin ako ng takbo ni hindi ko nga alam kung saan ko gustong pumunta basta ang alam ko gusto nang umalis sa lugar na toh doon sa lugar na ako lang mag-isa… kaya ito napadpad ako dito sa tambayan namin magbestfriend sa tree house namin … Dito lang ako sa sulok umiiyak hindi ko kasi kayang magsumbong kay Shane kasi alam ko sya ang kakampihan nya, hindi ako matigil kakaiyak dahil sa dami na din ng mga iniisip ko ng biglang…

“B … B kanina  …  pa kita … hina … habol …  dito  … ka lang … pala … pu … punta…  kanina ... pa … kita … tina … tawag .. si …mula … dun … sa school” si Shane halatang pagod na pagod … Ibig sabihin na kanina pa nya ako hinahabol?! Bakit parang hindi ko naman naririnig na tinatawag nya pala ako?! Inangat ko yung ulo ko ng konti tapos nung nakita ko sya nakatingin sya sakin tapos yumuko na ko ulit…

“BB umiiyak ka ba? Atsaka bakit basa ka?” sunod sunod nyang tanong … Umiling na lang ako as answer … Obvious ba napagtripan lamang ako ng girlfriend mong magaling… naramdaman ko nalang na kalapit ko na sya pero nanatiling nakayuko padin ako…

“Sus magsinungaling ka na sa iba wag lang sakin noh! Umiiyak ka eh” tapos nilagay nya sa balikat ko yung kamay nya…

“Alam mo naman pala eh bakit mo pa tinatanong?!!” humarap ako sa kanya habang sinasabi yan napataas yata yung boses ko ng kaunti…

“oh wag ka na magalit hindi naman ako yung umaway sayo eh” – Shane

“Kasi ikaw eh nagtatanong ka pa alam mo naman pala” kalamado kong sabi sa kanya…

“Eh Bakit ka ba kasi umiiyak tapos basa ka pa?” sabay punas nya sa may mukha ko ng panyo nya… Sino pa ba sa tingin mo ang gagawa sakin nito?! Haist kung sabagay anghel nga pala yun sa harap mo at sa harap mo lang pero pwede din naman sa harap din ng magulang nya…

"In love with my Best Bud"Where stories live. Discover now