Chapter 3

3.4K 131 6
                                    

NAPAPAKAGAT-LABI siya habang pinagmamasdan ang kumikinang na singsing sa kanyang daliri. Sobrang bumagay iyon sa maputi niyang kutis. Tiyak niyang luluwa ang mata ni Mirna kapag nakita 'yon.

Singsing palang 'yon, ha? Paano na lang kapag nakita na nito ang asawa niya? Gusto niyang humagalpak ng tawa dahil sa nai-imagine na hitsura nito. Her snake old friend will really compare her husband to hers. Hah! Lintik lang ang walang ganti! Punyeta!

Itinago niya sa bag ang maliit na kahon kung saan nakalagay ang pares ng singsing. Naka-imprenta rin sa loob ng mga iyon ang pangalan niya at ni Sean. A small smile came across her lips at the thought of him. Alam niyang single ito dahil iyon ang sabi ng kapitbahay nila pero may girlfriend na kaya ito? Sana wala rin.

Sinipat niya ang hitsura sa salamin ng kanyang kotse. "Maganda ka, Ira. Bagay na bagay lang ang kaguwapuhan ni Sean sa kagandahan mo. You ain't got no worries!" pagpapalakas niya sa loob.

Ang totoo niyan kasi ay may halong kaba siyang nararamdaman sa gagawin. Hindi naman kasi basta-bastang manghiram ng pangalan. Baka ang ending niyan, eh, maghimas siya ng rehas. Sundalo pa man din ito. She crossed her fingers and tightly closed her eyes. "Fighting!" she breathed out, before starting the ignition of her car.

Sa edad niyang bente-sais ay isa na siyang Human Resource Consultant. She's very much proud of her achievements as a career person. Kaya naman nakapagpundar na rin siya ng bahay at sasakyan. Maganda ang trabaho niya ay hawak pa niya ang oras niya.

She's snapped out of her thoughts when her phone rang. Si Maricon ang tumatawag. "Papunta na ako riyan sa bahay mo," bungad na saad niya pagkasagot ng tawag nito.

"Huwag ka nang pumunta rito. Ayos na kami."

"Ano?" napalakas na sambit niya. "Maricon, ang bilis naman! Gano'n na lang 'yon?"

Nagbuntong-hininga ito. "I can't let him go, Ira..."

"Bakit?"

"Mahal ko siya."

Inikot niya ang mga mata. "O, tapos?"

"Buntis ako."

Natahimik siya.

"Hindi ko hahayaan na mabuhay ang anak ko na walang tatay," dagdag pa nito.

She tried so hard to swallow her retorts. Sensitibo ang mga buntis at ayaw niyang ma-depress ang kaibigan. "Okay. Basta kung kailangan mo nang kaibigan o kahit ano ay tawagan mo ako. Huwag kong mababalitaan na sinaktan ka na naman ng hinayupak na iyan kundi ay ipapasapak ko talaga siya sa mga maskuladong tanod sa amin," banta niya.

She felt relief when Maricon laughed on the other line. "Oo na. Sige na. Good luck na rin sa paghahanap--teka, may nahanap ka na bang lalaki na magpapanggap na asawa mo?"

Right there and then, it brought a smile on her lips. "Yes."

"Oh... Kailan ko siya makikilala?"

"Soon," tipid niyang sagot. Hindi na niya sasabihin dito ang lahat ng balak dahil masyado na rin itong iniisip. Baka ma-eskandalo pa ito kapag nito na nanggagamit siya.

"Sige. Tawagan mo na lang din ako kung may maitutulong man ako."

"Shoot," masigla niyang wika saka nagpaalam na rito. Kinabig niya ang manibela at binagtas ang daan pauwi sa kanyang bahay.

She just pulled in her driveway when she saw Sean at his front yard. Mayro'ng hawak itong pala at may kung anong binubungkal sa lupa. Pagka-park niya nang sasakyan ay agad siyang bumaba at saka ito nilapitan.

Kailangan niyang pag-aralan ang kanyang mister. "Hey," she said to call out his attention.

He stopped working and looked over his shoulder. Wow, what a good looking man! A beautiful sight indeed! Sunod-sunod ang papuri niya sa utak para rito habang tutok ang tingin dito.

"Yes?"

Ah, his speaking voice is so deep and cool too! Perfecto!

Ngumiti siya rito at inilahad ang palad. "Hi. I'm Ira," pakilala niya. "Ako ang nakatira sa bahay na 'yan." She pointed a finger at her house.

He stood on his full height, fully turning on her. Kunot ang noo nitong tiningnan ang kanyang palad. "Are you new around here?"

"Ahm, yes..." She gestured her extended hand. "It is my habit to greet the neighborhood with a shakehand. Okay lang ba?" nakangiti pa rin niyang wika.

"Madumi ang mga kamay ko."

She chuckled. "Oh, it's fine."

But as his big and calloused hand connected to her soft ones, her breath caught in her throat. Volts of electricity ran down her spine. And it was uncalled for. Dahil hindi siya naging handa sa impact ay agad niyang binawi ang kamay saka iyon iminasahe sa kanyang batok.

"Sean," maikli nitong hayag pagkatapos.

Hindi naging sigurado ang kanyang ngiti. "Nice to meet you, Sean."

Tumango lang ito. After seconds of silence, she started to fidget, so she decided it's time to go back in her house. "Okay," she drawled. "See you around." Tumalikod na siya at nagtungo sa kanyang bahay.

Nang nasa loob na ay muli niya itong sinilip sa siwang ng kanyang bintana. Bumalik na ito sa ginagawa. What the heck just happened to her? Did she just feel sparks thru her entire body?

Pagkaraan ng ilang saglit ay nailing na lang siya. Hindi na dapat siya nag-iisp ng kung ano. Ang kailangan niya lang ay ang pangalan nito. Nothing less. Nothing more.



ALAS singko na nang hapon ng muli siyang lumabas sa bahay niya at tumambay sa kubo sa kanyang bakuran. Hilig na niya ang magpahangin doon lalo na sa tuwing hapon ng sabado at linggo. She was fixing the magazines scattered around when a familiar big dog came charging on her, biting one of the magazines and shook it away like crazy. Sa bilis ng pangyayari ay hindi agad siya naka-react. She just held the other magazines tightly on her chest.

She's still in shocked when Sean emerged from his house, walking towards her and the dog. "Cooper, enough!" His voice held so much authority in it. Na kahit siya ay susunod kapag siya ang kausap nito.

The dog immediately stopped, letting go of the ruined magazine. Luray-luray na iyon at hindi na mapapakinabangan. Sean picked it up before turning to her. "Pasensya na sa aso ko," simula nito. "He really has a fascination with magazines." He looked at what he's holding, and something flashed in his eyes.

Her gaze trained on it, eyes widening. The magazine he's holding is a freaking men's magazine! Like, a magazine that's not for young readers!

"No, it's okay. Hindi naman sa akin iyan," matigas ang leeg na iling niya.

His eyebrow lifted up, clearly amused. "Are you sure?" he asked, flipping the good pages.

Muntik na siyang mapasigaw nang mapuntahan nito ang pahinang larawan ng modelo na tanging berdeng mansanas lang ang tumatabing sa pribadong parte ng katawan. Gusto niyang sampalin ang sarili. Bakit ba niya naisipang bumili niyon para tumingin ng lalaki para sa kanyang plano?

Stupid, irresponsible, Ira!

Nilakumos niya ang mga hawak. "Y-yes."

His upper lip quirck up. "Okay." Inabot nito ang hawak at kusa naman niya iyong kinuha. "Pasensya na ulit sa inasal ng aso ko. Cooper, come on." Then they went back to his house.

She sneered at the dog when it gave her one last annoying look before going in. Gusto niyang maglulupasay sa hiya nang siya nalang ang andoon. Nanggagalaiting pinagsu-shoot niya sa basurahan ang lahat ng magazines na hawak bago nagpupuyos ang loob na bumalik sa loob ng bahay.

Ano na lang ang iisipin nito tungkol sa kanya? Manyakis? Argh!

Nagpakawala siya ng impit na tili. Pero, eh, ano naman ngayon? Normal naman sa panahon ngayon ang mga gano'ng magazines. She's an adult for pete's sake! Ba't ba siya umaaktong parang teenager na ngayon lang nakakita ng lalaking hubad?

Hay! Ewan! Hayaan na lang niya ito tutal naman ay nakakatulong ito sa kanya.

Pero paano kaya kung ... gawin niya itong kanyang totoong asawa?

Gaga! sigaw ng maliit na boses sa isip niya.






😚 Team Sean! 🤗🤗

Love lots,
Realice 👄
08072018

The Pretend Wife & Her GroomNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ