Chapter 2 - Si Puti

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinundan ko si Mama habang inaabot-tingin si Eli. Nag-uusap pa rin sila ni Hannah at pakiramdam ko ay hindi niya napuna na umalis ako. I felt my heart ached by seeing them talking to one another.

...

"Sa loob po ang burol," sabi ko sa mga parating na nagtatanong. Nasa labas ako ng inuupahan memorial place nila Eli. Hindi ko naman dapat talaga gawin ito pero pinili kong gawin makatakas lang sa loob. Nandoon kasi sila Hannah at Eli na kumakausap sa ibang nakikiramay. Pakiramdam ko ay parang napakalapit ni Hannah kay Lola Basyang kahit hindi naman niya ito kilala kung makipagkwentuhan siya. Well, isa iyon sa mga likas na skill ni Hannah. She can expound easily on little thing that she knows. Kaya magaling siya sa extemporaneous speech.

"Tuloy po kayo sa loob." Salita ko habang inaabot ng tingin si Eli. He seemed composed now that he's with Hannah.

"I am back here. Yes. I will. Talk to you later." Napatingin ako sa narinig kong boses ng lalake mula na paparating. Isa na naman accent ng australyano. Naglalakad ito patungo sa akin habang abala sa pagtytype sa hand phone niya. He was wearing an all black ensemble and it fits him perfectly. Naglalakad ito na para bang nasa runway at mukha siya talagang isang male supermodel.  Kaso pumalya lang siya sa shades niya. Gabi na kasi at hindi na tirik ang araw.

"I will visit after the memorial. I want to meet all the building managers..."

"Tuloy po kayo sa loob." Iyon lang ang sinabi ko at mukhang hindi niya ako narinig. Abala siya sa pakikipag-usap sa telepono at nilagpasan lang niya ako.

Marami sigurong Australian na pupunta rito dahil sa mga kaibigan nila Tita Ruth. Australian kasi ang asawa ni Tita Ruth at half-Aussie si Eli.

"What did you say?" Nagulat na lang ako ng bumalik ang lalakeng australyano na naka-shades.

"I didn't say anything."

"You said something. " Giit niya sa akin.

"I just said 'Tuloy po kayo sa loob.' In english means please enter."

Tumawa ang lalake sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit.

"It's just simple english and yet you can't translate correctly?"

Nagulumihanan ako sa sinabi niya.

"Tuloy po kayo sa loob means please come in or please come inside in english." Nagulat ako dahil marunong siyang mag-Filipino. "Teacher ka pa naman." Lalong nanlaki ang mga mata ko sinabi niya. Paano niya nalaman ang propesyon ko?

"Okey, mali nga ang translation ko, sorry. Sino ka ba at paano mo nalaman ang trabaho ko?"

I saw him smirked and then he shook his head.

"You got ugly shoes there. Here take this, buy some new pairs." Nanlaki naman ang mga mata ko ng inabutan ako ng limang libo ng lalake. Natigilan ako at napaisip. Isa lang naman ang lalakeng gumagawa ng ganoon pamumuna akin at ganoon kapartikular sa sapatos.

Naglakad na siya palayo sa akin habang iniisp ko kung sino siya. Kilala ko siya, hindi ako nagkakamali.

Oh no! He is also back!

"Puti!" Napasigaw ako at lumingon siya. Hindi siya lilingon kung hindi siya iyon.

Tinanggal niya ang kanyang shades at tumingin sa akin. I know that eyes, that piercing hazel brown eyes together with that over confident smile. He has grown a lot. Hindi ko siya makikilala kung hindi dahil sa sinabi niya tungkol sa sapatos. Hindi siya kamukha ni Eli dahil mas nangibabaw ang dugo ng tatay nila kay Puti. Mas mukha siyang Australian kaysa Filipino hindi kagaya ni Eli. Pero isa lang ang hindi nagbago sa kanya, masama pa rin ang ugali niya hanggang ngayon. Napangiti ako sa alaala.

"Puti? Didn't I tell you not to call me that? This is the last time, Danielle, I am warning you," sabi niya na nakangiti kaya hindi ko alam kung seryoso ba siya o hindi.

Umirap lang ako sa kanya.

"Hindi bagay sa'yo ang tawagin Ezekiel. Hindi pangpropeta ang ugali mo." Ezekiel ang totoong pangalan ni Puti pero nasanay na akong tawagin siyang Puti dahil sa mas mukha siyang Caucasian noon bata pa kami. At isa pa, parang ang bait-bait ng pangalan Ezekiel. Hindi bagay sa ugali niya.

Tumawa lang siya.

"Please buy some good pair of shoes. If you need more money just give me a call."

Pagkasabi niyang iyon ay tinalikuran na niya ako at pumasok na sa loob. Ganoon kaarogante ang lalake na iyon hanggang ngayon. Hindi ko nga alam bakit sila naging magbarkada ni Kuya Romel dati pero mas lalong napapaisip ako kung paano siya naging kuya ni Eli dahil sa sama ng ugali niya.

Hindi ko mapigilan mapangiti sa naiisip kong alaala. Si Ezekiel. Si Puti.

Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon