C H A P T E R -- O N E

385 7 0
                                    

Maria Denise Mendoza/ Pauline Mae Saragoza 

"Hoy bakla, bangon bango din pag may time." 

Sinimaan ko naman ng tingin itong letcheng kasama ko dito sa bar.

"Alam mo panira ka talaga, malapit ko na ma kiss yung papa eh." 

Inis na sabi ko kay Chester o mas kilala Chealsie, isang linggon na rin ako nag tratrabaho sa gay bar na to at masaya naman dito.

"Che, ano ka ba bakla panaginip lang yan pag yan trulaley sige push lang natin yan bakla. "

Inirapan ko na lang siya.

"Hoy tigilan mo nga yang pag irap mo mukha kang sinasapian, nga pala mag ayos ka na at mamaya na dating nung anak ng boss natin. Mag paganda ka bakla ay hot papa daw to, ay teka wala ka na palang igaganda." 

Binato ko naman sakanya yung unan ko.

"Letche ka talaga with feelings."  

Sabi ko at nag ayos na nga ako pagkatapos ko naman mag ayos ay inayos ko ang buong kwarto ko, dalawa kasi ang kama dito. Saka balita ko dito na daw mag stay yung anak ni ma'am kaya baka dito siya matulog kaya naman inayos ko na. Pero malay mo papa talaga siya, chos. Pag katapos ko sa loob ng kwarto ko ay lumabas na ko at sakto nagkakagulo sila dun sa pinaka stage.

"Anmeron?" 

Tanong ko sa sarili ko pero napalakas pala, nagsitinginan naman sakin tumingin naman sakin si ma'am.

"Oh Pauline andyan ka pala, kaya pala walang bungangera dito eh."  

Nag tawanan naman sila nakinairap ko naman.

"Nga pala this is my son Marc Carlo De Leon." 

Napatingin ako sa lalakeng tinuro ni ma'am, hmm gwapo siya pero ayoko sakanya. Tumango tango na lang ako at pumunta ako sa pwesto ng mga bartender.

"Ibang klaseng bakla talaga tong si Pau, hindi nagwagwapuhan sa mga boylet." 

Sabi ni Mark o mas kilalang Mika.

"Oh Den." 

Tinignan ko naman ng masama si Karla, ang nagiisang babaeng kaibigan ko dito at ang nagiisang may alam ng sekreto ko.

"I mean PauPau." 

Sabi niya sabay peace sign, inirpan ko naman siya.

"Tsk, ang daldal mo talaga kahit kelan."  

The Girl With DisguiseWhere stories live. Discover now