Chapter 3: Unanswered question

9.7K 218 9
                                    

Nagsimula na ang klase. Ang course na kinuha ko ay Bachelor of Science in Information Technology. Gusto ko sana mag engineering kaya nga lang masyado pang mahaba ang time ko kapag yun ang kinuha ko . Limang taon kasi yun. Tapos review pa tapos exam. Gusto ko ng makapagtrabaho para hindi na ako aasa sa nagpapaaral sa akin.

Naging normal ang mga sumunod na araw. Hindi ako palakaibigan kaya naman kahit mag-iisang linggo na ako sa school ay wala pa rin akong nagiging regular na kasama. Hindi din kasi ako palasalita talaga. Ewan ko ba kung bakit dun sa lalaking nakatagpo ko isang buwan ang nakakaraan ay naglabasan lahat ng tinatago kong salita.

May mga kinakausap naman ako na kaklase pero hindi yung kwentuhan talaga. Wala din naman ako makwekwento bakit pa ako makikipag-usap? It's just a wasting of time and of course, my precious saliva. (Har Har!) Isipan na nila ako ng masungit wa ako care. Sino ba sila sa buhay ko? Matagal na akong nabubuhay mag-isa kaya sanay na ako.

"Hi--" Nagulat pa ako nung may lumapit sa akin. Nilingon ko.

"Aby. " Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. Kahit masungit daw ako, hindi naman ako isnabera. Kapag may gustong kumausap, makikipag-usap ako. But to start a conversation? Nah.. I hate it.

"Can I sit beside you?" Nasa field ako at nakatingin lang sa malayo habang nakasandal sa isang puno. Balak ko kasi mag-aral para sa quiz bukas, kaya lang tinamad ako ng masandal na. Tumingin nalang ako sa langit at nagmuni-muni.

"Oh sure."

"Gusto mo?" Hawak niya ang isang junk food.

"Thanks, but no thanks. I'm not into junkfoods.".

"Ako nga pala si Nikko." Nilingon ko siya. Gwapo naman. Ngumiti din ako pabalik sa kanya.

"Nice meeting you." Pagkasabi nun lumingon na ulit ako sa mga tao sa field. Natahimik na kami pareho.

"Binibilang mo ba ang mga tao diyan?"Pambasag niya sa katahimikan.

"Ha?" Naguluhan ako kung ano ang tinutukoy niya.

"Yung mga tao sa field kako, binibilang mo ba? Para kasing ganun kung tignan mo sila." Natawa naman ako sa sinabi niya. Ibig sabihin tinitignan niya din ako.

"Hindi naman. Naaliw lang ako lalo na yung nasa malalayo. Ang liit nila tignan." Narealize kong ang weird ng sinabi ko. Baka pag-isipan ako nito na baliw. Natural kapag malayo, maliit na ang mga bagay. "Wala lang naman. Nababaliw lang." Natatawa-tawa kong sabi at pinangunahan na siya.

"Hindi naman. Nakakatuwa ka nga eh. Yung pagoobserve mo sa mga bagay. Nakaka-amaze." Tinignan ko siya ng nagtatakang mukha.

"Naa-amaze ka dun? Hindi kaya ikaw ang baliw?" Natawa na din siya. "Tinatamad pa kasi ako mag-aral kaya ganito muna. Nagrerelax muna ako bago umuwi. Pero teka anong oras na nga ba?" Tinignan ko ang relos ko at nakita kong mag aalas singko na. "Gosh! Four thirty na. Ahm... " Nakalimutan ko ang pangalan niya.

"Nikko."

"Oh, Nikko. Sige ha una na ako. Bye."

"Bye Aby!" Hindi ko na siya nilingon pa. Nagmamadali na ako umalis dun. Nagtatrabaho kasi ako sa isang café. 6PM ang start ko hanggang 10PM. Four hours lang para sa isang working student na katulad ko. Gusto ko lang na may extrang pera para kapag may gusto ako hindi ko na kailangan pang humingi.

Diretso ako sa tinitirahan kong maliit na apartment. Three thousand five hundred a month ang bayad ko dito. Sakto na para sa akin. Basta ang gusto ko lang naman ay may sariling banyo. Hindi kasi ako sanay ng makikigamit ng banyo ng iba. Sa school at malls, wala naman ako choice kaya hindi nalang ako umuupo sa inidoro kapag umiihi.

Nagshower ako ng mabilisan. Pagkatapos non inayos ko na ang backpack na ginagamit ko para lagyan ng pamalit na damit ko after ng trabaho. Palabas na ako ng bahay ng makalimutan ko pa ang cellphone ko.

"Shit naman kasi! Napatagal ako sa school!" Dali-dali akong bumalik.

Isang sakay lang naman mula sa bahay ang café kaya lang mamalasin ako kapag ganitong traffic. Nang makakita ako ng jeep, pinara ko agad yun.

"Badtrip naman talaga oo." Halos hindi bumubukang bibig ko ng sabihin ko yun. Napatingin ako sa harapan ko. May lalaki na nginitian ako. Hindi ko tuloy alam kung ngingitian ko yun. Baka naman sabihin pwede na kaming friends kapag ngumiti ako. Nag-iba nalang ako ng tingin.

Langya! Tapos sasabihin ng lalaking yun pangit ako? Eto nga oh! Nginingitian ako ng di ko kilala! Bwiset talaga yung mayabang na yun!

Sa nakalipas na mga araw, hindi ko alam kung bakit hindi ko pa rin makalimutan yung araw na yun. Siguro ay dahil sa panlalait na natanggap ko. First time ko kasing masabihan ng mga ganung salita.

Nang makababa na ako ng jeep, nagtatakbo na ako papunta dun sa may café. Naabutan ko pa na nakagreen yung ilaw kaya tumakbo na ako. Kaya lang merong sasakyan na mabilis at muntik pa akong mabangga. Mabuti nalang napatigil pa niya iyon.

"Sorry, sorry." Sabi ko. Dahil sa sobrang lakas at tagal na busina niya. Nakita kong bumaba ng sasakyan yung nasa loob. Hindi ko na tinignan pero naaninag ko pa ang mukha niya. Biglang kumabog ang dibdib ko.

Parang...

Kaya lang mas inintindi ko nalang ang malelate ako. Tumakbo ako ng mas mabilis. Nang makarating na ako sa biometrics, nag IN agad ako. 6:10:58 PM.

"Muntik na! Whew!" Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko.

May grace period kasi kami nag 10 minutes. Kapag lumagpas pa dun ay bibigyan na ng memo agad. Ayaw kasi itolerate ng boss ko ang ugali ng mga Pilipino na always late. Kaya sa unang late palang may memo na agad na binibigay sa amin ang HR. Kaltas ng 100 sa sahod kada late. Sayang din yun. Kaya naman hindi ako pwede nalelate. Naiintindihan ko naman ang boss ko kaya pinapatupad ang ganung kahigpit na rule. Yun lang naman ang mahigpit sa rule niya. Maliban dun napakaluwag na. Kaya nga magdadalawang-taon na ako dito.

Naalala ko pa ng sinabi ko sa nagpapaaral sa akin na huwag na akong magtrabaho. Mag-aral nalang daw ako ng mabuti.

"Huwag na Aby, hindi mo naman kailangang gawin yan eh.Mapapagod ka lang. Mawawalan ka ng oras sa pag-aaral mo. " Sabi niya.

"Okay lang po ako. Salamat po sa concern. Mas gusto ko po yung ganito para naman po hindi lahat ng bagay ultimo pambili ko ng napkin ihihingi ko po sa inyo."

"Ikaw talagang bata ka, oo. O siya kung yan ang gusto mo. Basta kapag nahirapan ka na, tumigil ka agad ha."

"Opo, salamat po ulet sa inyo. Utang ko po ang lahat ng ito. Salamat po . Makakabawi din po ako balang-araw sa inyo."

"Oh, muntik na Aby ha!" Sabi ni Manong guard.

"Oo nga po Manong eh. Kala ko nga di na ako aabot. Muntik pa akong masagasaan dun—" Bigla kong naalala yung nangyari kanina. Yung kabog ng dibdib ko, bumalik. Napalingon ako sa tinawiran ko pero wala na yung sasakyan dun kanina.

"Ano kamo iha?"

"Po? Wala po.. " Iniwas ko na ang tingin ko sa daan at diretso na sa loob. Hindi ko pa rin naalis sa isip ko siya.

"Baka guni-guni ko lang yun."

Pero siya nga kaya yun? Nasa Maynila siya?

Dangerously in love with You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon