Salem
Mag iisang buwan na din ako sa paaralan na 'to, pribadong paaralan ngunit bakit Hindi ganun sa inaasahan 'ko. Akala nila mama na kapag dito ako nag aral ay magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan at mabilis akong matutoto, ngunit bakit hanggang ngayon Hindi pa nangyayari ang mga iyon? Walang gustong makipag kaibigan sa akin. yun ay Hindi ko alam kung bakit, normal naman ako tulad nila, iniisip ko na lang na kaya ayaw nila akong kaibiganin dahil sila ay magkakaibigan na noon pa. Private ang paaralang Ito pero nagulat ako na nahuhuli na sila sa lesson sa pagkakatanda ko ay Eighth grade ko pa napag aralan ang mga tinuturo samin ngayon, Pero may iba naman na bago sa pandinig ko, ngunit hindi ko talaga maintindihan. Ngayon, Grade Eleven na ako.
"Okay to solve a Rational equation first we need to eliminate denominator by multiplying each term of blah blah blah..." Hindi ako nakatingin sa teacher namin habang nagtuturo siya. inaantok ako sa sobrang lamig ng aircon na dumadampi sa balat ko.
"What? Saan nya minultiply yun Hindi ko naintindihan"
"Same here girl"
Rinig ko ang usapan ng mga kaklase ko sa likod ko. Nilingon ko sila, Hindi naman sila sumimangot nung tumingin ako.
"Minultiply nya ata sa LCD, Monique." Sagot ko sa tanong niya Kay Ella kanina. Kahit na wala akong kaibigan dito tanda ko naman ang pangalan ng iba sa kanila, lalo na at malapit lang naman sila nakaupo sa akin.
"Ahhhhh. ganun pala yun, salamat Lily"
Nagulat ako na alam niya ang pangalan ko kahit papaano. Nginitian ko sila, mukhang Ito na ang unang way para mag karoon ako ng kaibigan. Dapat pala nakikipag interact ako.
"We can use strategies for solving- -"
"Your Welco-" di ko natapos ang sasabihin ko dahil nagulat ako ng tinawag ni sir ang apelyido ko.
"Ms. Vega! You're not listening to me!"
Napayuko ako sa kahihiyan. Ito ang unang pagkakataon na napagalitan ako ng isang guro sa tanang buhay ko.
"Kung ayaw nyong makining sa klase ko lumabas kayo!" Naku mukhang nagalit ko ata si sir. Hindi ako nakapag salita dahil dun. Hindi ko kailangan ipaliwanag ang side ko dahil ayaw niya ng ganun. Nakakabastos daw.
*kringngggg *kringggg.
Wooh. Save by the bell ako. Thanks sa bell. Hudyat yun na tapos na ang klase nya.
Nag walk out nalang si sir bigla. Walang pake yung ibang kaklase ko. Dahil alam Kong sanay na sila sa teacher namin na yun, siguro dahil sa katandaan ni sir. Pero Hindi yun dahilan para Hindi nila siya igalang. Naku kung sa school ko dati sila nag aral todo ang disiplina dun. Kahit pampubliko lamang.
"WooOoooooh! Wag ka na bumalik"
"Hindi naman namin naiitindihan tinuturo mo tsk. Tsk."
Kung ano ano pa ang mga sinasabi ng mga kaklase ko tungkol sa teacher namin na yun, Habang ako inaayos ko na mga gamit at naghahanda para sa susunod kung subject. Kahit alam kong Break naman ngayon.
Nagulat ako ng nag silapitan ang iba kong kaklase sa akin, Na ikinatigil ko.
"Wow. Liliy ang galing mo napa-walk out mo si sir hahahaha" sabi nung isa sa mga maiingay sa amin dito sa Room habang humahalakhak. Masaya pa siya sa lagay na yun?
"H-huh?" Yan lamang ang nabulalas ko.
"Dapat lang yun sa kanya no. Hindi siya makatao. Kainis Quiz muna bago turo? Ano yun? Hmp!" Wika ni Demi Presidente ng klase namin. Nagulat ako sa sinabi niya ganun pala ang iniisip niya Kay sir? Akala ko pa naman Close sila ni sir dahil siya lang naman ang matinong Nakakausap nun. Plastik siya. Sorry for the word. Pero totoo.
