“Maayos na. Kanina’y nag-aalala na ako at bakit wala ka pa sa bahay.”

“Sabi ko naman po kasi sa inyo na sa cellphone n’yo na lang po ako tawagan,” napapangiti pero napapailing si Shaine. Ilang beses na niyang sinabi sa ama iyon pero sadyang sa landline pa rin ito lagi natawag. Natawag lang ito sa kanya sa cellphone kapag araw, o kapag gabi na at nasa bangko pa rin siya.

Ngunit ang ngiti sa mga labi niya ay nabura nang mapuna ang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto, nakahalukipkip at nakatitig sa kanya. At gustuhin mang mag-iwas ng paningin si Shaine ay hindi niya magawa. Those piercing, brown orbs that stares at her with such intensity traps her once again. The tingling sensation that is starting be so familiar with Shaine starts to travel on her skin. 

“Mas gusto kong sa telephono ka kausap. Mahirap ang signal dito sa atin,” depensa naman ng ama niya.

“Okay po,” wala sa sariling sagot ni Shaine. Hindi na niya nagawa ang pakikipagdiskusyon sa ama na kapag lumabas ito ng bahay ay maganda na ang signal sa kanila. Naagaw na ng lalaki sa pinto ang atensyon niya. Lalo na nang ngumiti na animo’y alam nito kung ano ang nararamdaman niya.

“Nabanggit sa akin ng nanay mo na nagkasakit ka raw noong biyernes. Bakit hindi mo sinabi sa amin? Sanay nakapunta kami diyan.”

“Lagnat lang po iyon, Tatay.” 

Umayos sa pagkakasandal sa hamba si Euan. Ang mga kamay ay inilagay sa bulsa ng pantalong suot, pero hindi naman humiwalay ang tingin sa kanya, lalo pa ngang lumapad ang pagkakangiti nito. At lalong nang-init ang mukha ni Shaine

“Wala bang loko-lokong umaaligid sa iyo diyan?”

“Po?” ani Shaine. Hindi tuwirang rumehistro sa isip niya ang tanong ng ama, masyado nang buhos sa lalaking kaharap ang atensyon. Hindi niya magawang ihiwalay sa nangugusap na mga mata nito ang kanyang tingin. Huminga nang malalim si Shaine. Ngunit dahil sa ginawa ay lalo lang siyang nawala sa focus. Sumama na sa hangin ang amoy ng lalaki. His unique, minty sweet smell never fails to entice Shaine. Her mind suddenly becomes foggy. Even her breathing becomes uneven.

“Nasabi sa akin ng nanay mo na may nagbigay sa iyo ng bulaklak noong linggo. Mag-ingat ka sa mga lalaking hindi mo pa lubos na kilala, anak. Karamihan sa kanila ay manloloko lang. Huwag kang magpapadala sa mga boladas nila, bunso.”

“Opo,” ani Shaine. Humigpit ang hawak niya awdotibo. Nagyuko siya ng ulo at nilaro na lang ang kurdon ng telepono. Kinagat niya ang ibabang labi. Her father’s reminder is very timely. She is falling on the trap of the very same man his father warns her. Isang lalaking magaling mambola at presko. Ang uri nang lalaking ipinangako niyang hindi niya bibigyan ng pagkakataong makalapit sa kanyang puso.

“Marson, Euan, kakain na tayo,” anang tihayin niya. “Shaine, sabihin mo sa tatay mo ay mamaya na ulit tumawag at maghahapunan na tayo.”

Tinanguan niya ang tiyahin, “Tay, kakain na daw po muna kami,” aniya sa ama. Nakayuko pa rin at hindi pinapansin ang lalaking imbes na sumunod sa tiyahin sa kusina ay nanatiling nakatayo sa salas.

“Sige, anak. Bukas na ulit ako tatawag,” anito bago ibinaba ang telepono. Matapos maibaba ng telepono ay dinampot na kaagad ni Shaine ang bag at lumakad papunta sa kusina.

“Hi,” ani Euan, umagapay ito sa kanya. Hindi pinansin ni Shaine ang binata.

“Nagtataka nga rin ako at ginabi ka. Nasabi na kasi sa akin ni Marson na kadalasan ay narito ka na nang alas-syete ng gabi basta maaga kang nakaalis ng bangko. At wala naman daw silang nareceive na text na mag-oovertime ka,” wika ni Euan, waring balewala dito kahit na hindi na niya pinansin ang pagbati nito kanina.

My Sweet Surrender (COMPLETED) Where stories live. Discover now