In present day, vampires are not known to exist. Werewolves do but... whatever.
Chapter 1: ERIKA
Nanginginig na ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano kung yung sinasabi ng demonyo na 'yon, ay totoo?
Nagtataka na kayo, no?
FLASHBACK
"Erika, okay ka lang?," sabi ni Jenna.
"Sa tingin mo okay lang ako? Nadapa na nga ako e," sambit ko sa kanya.
Naglalaro kami ng volleyball sa P.E. time namin. Magpapalit na sana kami ng damit pero may nag-aya sa aking pumunta sa likod ng school. Ang tanga ko talaga.
"Hi. Ikaw si Erika di ba?," sabi ng ESTRANGHERONG ito.
"Umm... Opo... Sino ka po ba?," tanong ko.
"Wag mo nang itanong ang pangalan ko. Binabalaan lang kita na pagdating mo sa edad na 16, mag-iiba ka. Sisipsip ka ng dugo ng tao at hayop at mananaig ang kasamaan sa puso mo," sabi niya.
Tch, like I care. Ano 'yun kalokohan? Wala ka ata sa lugar kuya. Shunga ka? Tao po ako hindi bampira.
Nung sasagutin ko na siya, bigla siyang nawala na parang bula.
Tinanong ko kung may bagong estudyante pero sabi nila wala.
Sabi rin nila na may naglilibot na bampira dito.
Nanginig nalang ako.
END OF FLASHBACK
I mean, seryoso? Magiging bampira ako the next two days? Hay. Buhay nga naman. Ano na kaya ang mangyayari sakin?
