Lumapit ito sakin ng bahagya at hinawakan ng kaliwang kamay niya ang balikat ko.

"Malaki ang tiwala sayo ni Sir Cedric, Dylan. Para ka nang tunay na apo ni Lola Valencia. Tinuring ka nilang pamilya ng mga Sy. Ang swerte mo, Dylan." Pahayag at sabi nito sakin.

Nakatingin lang ako kay Diego. Di ko alam may nabubuong mga memorya ko na totoo ngang tinuring akong anak ni Sir Cedric. Pati si Lola Valencia, ginawa na nilabakong apo. Di ko alam napakahalaga rin pala ako sa kanila.

Ngumiti ng natural sakin si Diego. Pinagtaptap lang niya ang balikat ko saka umalis at naiwan akong nakatingin sa kanya paalis.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Kumatok ako ng tatlong beses sa office ni Sir Johnser. Pagkatapos saka ako pumasok sa loob.

Dahan-dahan naglakad ako at hinanap ang kinaroroonan nito. Nakita ko naman itong nakaupo sa swivel habang nakatalikod sakin.

"Pinapatawag nyo raw po ako."ahinahon na sabi ko.

Saka naman humarap ito nang marinig ang boses ko. Parang nag-slow motion na pinaikot nito ang swivel paharap sakin. Nakita ko naman itong parang bad boy look ang mukha nito. Nakataas ang kilay habang naka-dekuwarto pang paa.

Wala akong masabi kundi ang guwapo niya sa temang iyan.

"Oo, pinatawag kita." Swabeng boses na sabi nito.

Lumapit ako papunta sa harap nito. Mahinhin na huminto na ako ng hakbang na nasa harapan na ako ng table nito. Naiilang na tinitingnan ko siya. Di ako masyadong makatingin sa kanya kasi nakatingin rin siya sakin. Ang seryoso ng tingin niya sakin saka parang hinihigop ako ng bawat matatalim na tingin nito.

"Ano po ba kailangan nyo sakin?" Bahagyang nakayuko na tanong ko.

"Ano pangalan mo?" Tanong nito.

"Elizabeth Villatorte po." Sagot ko agad habang nakayuko.

"Taga saan?"

"Actually po, taga probinsya ako. Nandito ako ngayon sa manila para hanapin si----"

"Taga saan? Di ko kailangan ng buong istorya ng buhay mo." Supladong sabi ni Sir Johnser.

"Aba't! Ang sama nito." Sa loob-loob ko. Napakagat labi nalang ako. Umayos ako ng tayo."Nakatira na ako sa *******, Sir." Sagot ko dito.

"Ilan taon kana?" Tanong pa nito.

Aba! Interview ba ito?

"19 na po." Sagot ko.

"Your hired."akahulugang turan nito.

Nanlalaki mata na naiangat ko ang ulo ko at binalingan ito.

"Hire?! Po?"

"Be my personal slave." Seryosong turan nito.

"Ano?!" Gulat na gulat na tanong ko.

MANDY YU POV:)

Bumili ulit ako ng coffee dahil natapon ito kanina sa pagkabanggaan namin ng lalaking badoy magsuot ng damit. Di ko alam kung mayaman ba siya o mahirap kasi itura palang at kutis nito, pang-mayaman talaga. Aminin na nating may kaguwapuhan siyang tinataglay. Di ko na kailangan pang magsinungaling kasi kita naman na ang guwapo niya talaga.

Ang galing din niya mag-english saka di siya marunong masyado mag-tagalog. Ewan ko! Alien ata ito ee. May pagka-isip bata din.

Pumasok na ako sa boutique kung saan dito ko iniwan yung lalaking iyon. Ewan ko kung nakapili na ito ng damit. Masyado kasing maarte sa damit e bagay naman sa kanya yung napipili kong damit. Ee di ayun! Iniwan ko siya at pinagkatiwala ko muna sa saleslady dito.

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now