I nodded, smiling a little.

"Alright, this won't take long. Palalabasin ko rin," aniya.

Nang pumasok siya ay napasuklay ako ng buhok gamit ang mga daliri ko at humugot ng hininga.

I shook my head again and glanced at my watch.

"Uh, hi, Lena!" kaagad akong nag-angat ng tingin at nangiti nang makita si Winston.

"Hi," I greeted back.

"Uh, may ibibigay lang sana ako sa 'yo." Aniya na nahihiya.

My forehead creased, nakita kong siniko siya ng kanyang kasama at maya-maya'y may iniabot siya sa aking isang papel na sa tingin ko ay liham at isang pirasong bulaklak.

"S-sana m-mabasa mo, a-aantayin ko ang sagot mo," aniya at hindi pa man ako nakakasagot ay kaagad siyang tumakbo paalis.

A smile left my lips, inayos ko ang bulaklak sa hita ko at saktong pagsulyap ko sa pintuan ay siyang pagbubukas nito at tumambad sa akin si Ejercito na nanlalaki ang mata nang makita ako.

"Lena!" he exclaimed in shock.

My brows raised, kaagad akong tumayo at pinasok sa bag ko ang sulat at bulaklak bago humalukipkip.

"Ano na namang ginawa mo? Huh?" I scolded him.

Hindi siya sumagot, nakita kong nakatitig siya sa bag ko kaya inayos ko iyon sa balikat ko at muling nagsalita.

"Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo, Ejercito," I said. "Anong gusto mo, dito na sa opisina tumira?"

Nakita kong napakurap siya at binasa ang labi at hinawi ang kanyang buhok ng daliri.

"Look, Leona, I'm sorry..." he breathed, his ocean blue eyes soften.

"Your sorry isn't enough!" I hissed. "Palagi ka na lang ganito!"

"I'm sorry, okay?" he moistened his lower lip again and I took a glance at it and gulped.

"Puro ka na lang sorry tapos uulitin—"

"Magpapaliwanag ako!" bigla siyang lumapit sa akin at akmang hahawakan ako.

"Kaya nagagalit sa 'yo ang magulang mo! You weren't—"

"Lena, please..." his red, bloody lips protruded. "Ayokong nagagalit ka—"

"Shut up, Sandejas!" I exclaimed and walked away. He called my name, pinagtitinginan kami habang naglalakad ako at humahabol siya habang tinatawag ako.

"Harriet..." he called and my lips formed a thin line.

"H'wag mo akong tawaging ganyan!" I hissed.

"Harriet..." he teased again.

I groaned, nang hawakan niya ang braso ko ay mabilis ko itong hinila paalis at sumimangot.

"Shut up, Jer..." I hissed. He walked near me, nang agawin niya sa akin ang bag ko ay halos ihampas ko na sa kanya iyon.

"Ayan, dalhin mo!" I groaned.

Pumasok ako ng classroom, kaagad na nagsitinginan sa amin ang mga kaklase ko at nalipat ang tingin nila kay Ejercito.

"Lena..." Jer caught my arm but I just raised my brow, inagaw ko ang bag ko pabalik at naupo sa harapang silya.

"Lena, sa likod tayo..." sunod niya sa akin. Hindi ako nagsalita, tahimik ang buong room dahil sa amin at nang maupo ako ay kaagad na napunta sa harapan ko ang huli.

"Lena, Harriet, come on," he said. Hindi ako nagsalita, at diretso ang tingin.

"Ayokong nagagalit ka sa akin." Aniya.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now