Natigil lang ako nang mapunta na kami sa tapat ng guidance. Kaagad kong sinilip ang salamin doon at halos mapamura ako nang makita ang tatlong lalaki na kaedaran lang namin at bugbog sarado.

"Don't tell me, he beat—"

"Yes, he did!" She exclaimed making me gasp. Napatakip ako sa bibig ko at napapikit ng mariin.

Santisima, Ejercito!

"Nagkakagulo 'yan sila roon kanina, Jer is the one beating those three kaya ayan..." kwento niya sa akin.

I saw the poor three guys on their seats, lowering their heads and meanwhile, Ejercito is confidently seating on a chair, nakasandal pa ang kumag sa upuan habang nakabagsak ang magulong buhok sa noo.

He's playing it cool! Walang pagsisisi akong makita sa kanyang mata!

And he's playing with his bloody lips!

Ngumiwi ako. Halos mapasugod ako sa loob ng guidance pero hindi ko ginawa.

"Salamat, Cess. Sige, pumasok ka na at ako na rito." I said casually.

"Sigurado ka, Lena? P'wede naman akong manatili rito para—"

"No, ayos lang talaga ako." I smiled a little. "Thank you..."

"O siya, sige," napangiti siya. "Pasok na ako, Lena, bilisan mo rin, huh? May quiz mamaya."

I nodded, nang maglakad siya palayo ay sinundan ko lang siya ng tingin at napabuntonghininga.

Sa muling pagsulyap ko sa guidance ay nakita kong pinapagalitan na siya. He was just listening, his lips tugged for a smirk and I can almost hear myself scolding him.

That man! Na-major na ata niya ang pakikipagbugbugan! What does he think he is doing?!

Nagmartsa ako pabalik sa may upuan sa tapat ng opisina habang nag-aantay sa kanya.

He's unbelievable!

I sat properly when I saw Floyd, my crush walking passed me. Tumikhim ako at umayos ng upo, nakita kong napatingin siya sa akin at pagkatapos ay tumango.

"Hi, Lena..." he smiled softly after greeting.

My heart almost went out of my chest, marahang hinawi ko ang buhok at malamyang ngumiti sa kanya.

"H-hi, Floyd..." I murmured shyly.

He smiled and nodded and pointed the door.

"Uhm, sige, mauna na ako..." aniya. I nodded at him at nang muli siyang ngumiti ay halos tumili na ako sa kilig.

My cheeks heated up, napahawak ako sa pisngi ko at nangiti.

Oh my God! He noticed me!

Nawala lang ako sa wisyo nang makitang may grupo ng estudyanteng tumatakbo palapit sa guidance office na nag-uunahang sumilip sa salamin.

"Nasaktan ba siya?!" the fair lady exclaimed.

"I don't know! Hindi p'wedeng masugatan siya!" Sigaw no'ng isa.

I almost rolled my eyes in annoyance, here he is again, being surrounded by his admirers...

"Hi, Jer!" I saw the other lady waved at the glass at maya-maya'y nagsigawan sila roon at nagtulakan.

Nanatili akong nanunuod sa kanila roon at kunot ang noo. Maya-maya'y lumabas ang guro sa loob at pinagalitan ang mga babae kaya tumaas ang sulok ng labi ko.

"Magsibalikan kayo sa klase!" sita nito. Halos magtakbuhan naman ang mga babae paalis at nang mapabaling sa akin si Mrs. Alredo ay ngumiti siya.

"Ms. Abelló," she called. "Are you waiting for him?"

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt